![]() |
| Ateneo de Manila University's ENTAblado will perform Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte this August. |
Tuesday, July 8, 2014
Aangkas ka na?
KALATAS Interview : Rogelio Braga
"Mahirap ang maging mandudula, sa totoo lang. Ang pagiging mandudula pala ay isang pagpapasya—sa iba nga, pulitikal na pagpapasya. At ang nalalabing panahon pagkatapos ng pagpapasya na ito ay ang pangangatawanan mo na ang tinahak mong landas."
Thursday, January 30, 2014
Ang Mga Mananahi sa Koronodal Ngayong Pebrero
![]() |
| Ang mga gaganap sa mga tauhan ng Ang Mga Mananahi sa Koronadal, South Cotabato ngayong Pebrero. Ito ang unang gagamitin ang dula ng mga artista mula sa Mindanao/Larawan mula sa AST |
Tuesday, January 14, 2014
Koronadal City's AST 9th Theatrical Season
Monday, February 4, 2013
Unang Salang: 'Ang Mga Maharlika' sa Writers Bloc, Inc.
Wednesday, November 19, 2008
PHILSTAGE Citations - Madakel a Salamat!
SIGE AAMININ KO na ulit - masaya talaga ako nang malaman ko nitong Lunes na nagbigay ng pagkilala ang mga kritiko, theatre practitioners, nasa akademya, at mga kapwa manunulat na bumubuo ng PHILSTAGE sa dula kong "Ang Bayot, ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte". Isa itong malaking parangal pasa akin (sa "amin", lalo na sa mga taong tumulong sa produksiyon) dahil ito ay pagkilala ng mga taong kasama mo at katrabaho mo sa daigdig ng teatro at pagsusulat.Ang hinihiling ko lang sana, sana, sana, sana - sana wala nang diskriminasyon ng mga Moro at Muslim sa ating lipunan. Sana iwaksi na natin ang istruktural na diskriminasyon ng mga Muslim at Moro sa ating lipunan. At sana, sana, sana, sana...sana...sana...sana...Bangsa Moro at Filipino =)
Friday, October 17, 2008
Ang Mga Mananahi

HAMIDA: Ngunit dumating ang isang pag-ibig. Si Akbar. (Tatawa) Matanda na ako para sa mga ganyan. Lumipas na ang aming pahanon. Iba na ngayon. Ang lahat ng bagay na dumaraan sa iyong harapan ay may tiyak na patutunguhan. Minsan, tulad ng pag-ibig, kapag lumisan, hindi na ito bumabalik. Kaya kapag dumaraan ang pagkakataon sakmalin mo na. Kung hindi mo ito mahawakan gumawa ka ng maraming paraan gaano man kahirap ang mga paraan na ito. Dahil kung hahayaan mo itong mawala...maglalaho ito habang-buhay.
Makalipas ang dalawampung taon nagkita kaming muli ni Akbar. Noong isang araw. Sa tabu’ (pamilihan) riyan sa baba. Naghahanap kasi ako ng mga bagong tela.
AKBAR: ‘Ikaw, Hamida, saan mo ginugol ang mga gawain ng iyong mga kamay?’
HAMIDA: Aba’t indupang hinamak pa ang aking trabaho.
AKBAR: Tinatawag tayo ng panahon dahil may kailangang gawin.
Katahimikan.
HAMIDA: At tulad ng ginawa niya sa akin noon dalawampung taon na ang nakalilipas tinalikuran muli ako ni Akbar at lumisan.
*****
Naisulat ko ang dulang ito matapos dumalo sa ika-40 na anibersaryo ng Jabidah Massacre sa Corregidor Island noong Marso. Ang aktibidad ay isang caravan na pinamunuan ng Mindanao People's Caucus (MPC). Sa nasabing caravan (mula pa sa Mindanao ang mga participant) nilayon ng lahat ng mga dumalo na sariwain ang karumal-dumal na krimen na naganap sa ating kasaysayan.
Pagdating sa Corregidor isa-isang nagsalita ang mga panauhin mula sa iba't ibang 'panig' ng Mindanao. At tulad ng ibang mga nagsipagdalo sinariwa ko rin ang Jabidah Massacre, nakipaghuntahan sa nalalabing survivor, at binalikan ang iba't ibang lugar sa Corrigidor na talaga namang sasariwa sa alaala. Nakasulat pa sa pader ng mga ruins ng Corregidor ang mga graffiti ng mga sundalong nagsasanay para sa Misyon apatnapung taon na ang nakalilipas (sa kung anong dahilan na nananatili pa rin doon ang kanilang mga sulat-kamat gayong limot na ang mga tao ang naganap na krimen) - mga pangalan - mga lugar - at ang kamatayan.
Napakalayo ng Corregidor at napalilibutan ito ng dagat.
At habang binabaybay ng aking mga palad ang haligi ng mga guho na siyang pinaglakagan ng mga Moro pinilit kong damhin ang sakit ng paggasgas ng katotohanan sa aking mga palad - ilang Moro na ang pinatay at patatayin pa ng Nasyunalismong Filipino? Sino ang umamin sa karumal-dumal na krimen? Sino ang humingi ng tawad?
At sa di kalayuan, malayo sa piging kung saan nagsasalita ang mga piling bisita mula sa iba't ibang 'panig' ng Mindanao may bumulong sa akin, mahina parang dasal na sinasambit mo lamang sa iyong sarili: "Walang kapayapaan kasi walang kalayaan."
Maraming itinagong lihim sa akin ang bayang ito.
____________________________
Ipalalabas muli 'Ang Mga Mananahi' sa Oktubre 29-30, 2008 sa Tanghalang Huseng Batute sa Cultural Center of the Philippines sa direksiyon ni Paul Santiago kasama ang UP Repertory Company.
Don't Just Donate - Engage!
“While it is so hard to imagine that humor and armed conflict could occupy the same basket, it is my experience that humor can heal wounds and bridge divisions. Kurt Vonnegut once said that, “Humor is an almost physiological response to fear.” I have heard countless stories – humorous once – that have helped people cope with the harsh realities of war and displacement.” - Gutierrez (Teng) Mangansakan II, Writer/Filmmaker/Peace advocate
“Hilarious and never preachy, Ang Bayot deserves a run that should be as long as, or longer than, its title.” – Philippine Daily Inquirer
“…tackles hilariously unresolved problems every Pinoy is still facing with his satirical play Bayot. Racial and gender discrimination, hypocrisy, bigotry, divisiveness of faith and corruption are few of the issues discussed in the play. To add on to its mirthful observations, the play sarcastically used vulgar street language, tawdry words and kitschy taste. Two outstanding actors, Joey Paras and Arnold Reyes, effectively utilized these devices…” – The Manila Times
The UP Repertory Company, The Cultural Center of the Philippines in cooperation with the Young Moro Professional Network and the The Asia Foundation present a twin-bill production: “Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte” and “Ang Mga Mananahi” for the benefit of the internally displaced persons in Pikit, North Cotabato.
Playdates:
October 29 (Wednesday) 8:00 PM
October 30 (Thursday) 4:00 PM and 8:00 PM
Tanghalang Huseng Batute
CCP
Ang Mga Mananahi (Directed by Paul Santiago)
Set in an ‘unnamed’ place somewhere in the South on the heyday of the government’s war against the Bangsa Moro freedom fighters. A story of how four Muslim women perform the act of bravery on their bare hands and compassionate souls. “Walang kapayapaan kasi walang kalayaan…” Ang Mga Mananahi is a celebration on the triumphs of human spirit against the adversity of a cruel and ruthless power and homage to those beautiful thoughts that keep ordinary people together to stand for freedom and lasting peace.
Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte (Directed by Nick Olanka)
Is the unusual rendezvous of two beautiful and sharp-tongued creatures living on the fringes of society. As they joust and engage each other, they courageously travel the rough and ‘older than history’ roads of discrimination, hypocrisy, bigotry, social divides, corruption and unspoken violence to arrive at a decent friendship.
Syalam will perform “Ranaw”
“Students’ Run” will be October 30, 4PM show – a “Talkback Session: Drama and Reality” to be facilitated by playwrights from the Writers Bloc, Inc., guests Moro speakers (will share insights and perspectives) and peace advocates, and members of the audience.
Tickets at Php 250.00 may be purchased at the UP Repertory Company in Vinzon’s Hall, UP Diliman, you may contact +63 915 5881782/ + 63916 6125404/ +63 918 779 7982/ + 63 926 812 2336, the Young Moro Professional Network at G108 Jocfer Bldg., Commonwealth Avenue QC c/o Aradelia Belleng at +63 920 652 9066; UP Office of the Student Regent, Vinzon’s Hall Basement UP Diliman c/o Shan; UP Muslim Student Association, Vinson’s Hall, UP Diliman c/o Tani Basman; and the CCP Box Office at +63 2832 1125 local 1409.
0918-7797982/ 0926-8122336
ogiebraga@yahoo.com/ www.rogeliobraga.blogspot.com
0918-5582188
OFFICE: 225 V. Mapa street,
http://nanaynirashi d.blogspot. com/ sar_matalam@yahoo.com
Today, more than 500,000 individuals are considered internally displaced persons (IDPs). The war in
The UP Rep and CCP Production on the other hand aims to engage Filipinos specially the younger generations on the discourses on Mindanao conflict in the form the is familiar to them, theatre arts.
Thursday, October 16, 2008
Our Asia that That Travels write up on Pikit Mission Performance
Thursday, September 25, 2008
So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman (Dula sa Isang Yugto)
Maglalabas ng pigil na pagtawa si Stella. Nangungutya.
Adbulrahman: Babalik na ako sa amin sa Malabang, Stella. Sasama ako kay Hamid. Tatapusin ko lang ang huling exam bukas sa pagsasara ng semester.
Katahimikan. Malulungkot si STELLA.
Stella: Kung nag-iisip ka na isasama ako pabalik sa atin - huwag ka nang mag-abala. Hindi na ako babalik sa Lanao.
Stella (matanda): ...dahil hanggang ngayon naamoy ko pa rin ang silong ni Ama. Ang mga mababahong daga na kahit na anong linis ko tuwing umaga hindi naaalis ang lansa ng kanilang mga balahibo.
Stella: Putang ina hindi ko na babalikan ang alaala ng Tucub. Kasing baho siya ng mga balahibo ng mga daga sa silong ni Ama - nananatili ang sangsang hanggang sa panaginip.
Abdulrahman: Babalikan kita rito sa Maynila.
Stella: Hindi ako maghihintay.
(This is going to be my entry for deliberation 2009 Virgin Labfest at the Cultural Center of the Philippines - hay cross all my fingers! Thanks also to Bing Veloso and Bailan Band for the doing the song for the play - "Tagulaylay sa Kamatayan ng iyong Maratabat" - O , hayan announce ko sa universe wala nang bawian.)
Wednesday, September 10, 2008
Sa Pagdating ng Barbaro : Isang Paglingon
NITONG NAGDAANG BUWAN nakita ko muli sa tv ang mga imahen ng Lanao
del Norte - ang kaguluhan, ang karahasan, at ang iba't ibang hinabing takot - totoo man o likhang isip. At habang nagpi-piyesta ang lahat sa opisina, sa Maynila, maging sa aming bahay sa mga imahen na nakabandera sa tv at siya ring patuloy ang namumuong galit ng sankamadlaang Filipino lalo na sa Maynila na uhaw sa 'katotohanan' na nakatambad sa kanilang harapan nagbalik sa akin ang lahat-lahat ng alaala sa lugar na ito. Iwinaksi ko na ang lahat ng masasamang alaala ng mga tao, karanasan, at maging damdamin na ipinunla sa akin ng malupit na lunan na ito sa Mindanao. Ngayon ko lang naisip na napakadaling maghusga ng mga tao, napakadaling magtanim ng galit, at tila napakalayo ng Lanao del Norte sa puso at isipan ng mga tao.At habang nagpi-piyesta ang lahat sa damdaming nais na ipunla (muli) ng 'conspiracy' ng gubyerno at ng midya sa puso ng sambayanang Filipino laban sa mga Moro at ikubli ang pinakamaliliit na bahagi ng mga karanasan sa Lanao del Norte nagbalik sa akin ang isang dula. Ang dula na isinulat ko noon sa Linamon, Lanao del Norte habang nakababad ako sa isang lugar kung saan ang galit, ang takot, at ang 'tahimik' na karahasan sa mga Moro ay nakatambad sa aking harapan. Karahasan na nagaganap sa katahimikan at kapayapaan at kasabay nito ang nakapinid na bibig ng lahat, ng sambayanan ukol dito. Napakadaling maghusga ng sambayanang Filipino.
Ipinalabas ang Sa Pagdating ng Barbaro (Sa Kiyapakaoma o Mananangga) bilang hindi opisyal na entry sa 2007 Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines. Ang dula ay kabilang sa independent production ng nasabing festival. Hindi nakapasok sa opisyal na talaan ng mga dula ang Sa Pagdating ng Barbaro at inilako ko pa ito sa iba't ibang grupo. Naalala ko noong panahon ng festival na wala akong trabaho, sariwa pa sa akin ang isang masamang karanasan mula sa dating trabaho at mga kasama sa trabaho, ang gulo-gulo ng isip ko. Sariwa pa noon ang mga pananakot sa akin sa dati kong opisina huwag lang lumabas ang pinakatatagong mga lihim sa kanilang mga gawain. Tila nagpatung-patong ang lahat ng kamalasan sa buhay at ibinagsak ng isang palakpak. Sa sobrang siphayo naupo na lang ako sa gilid ng Vinzon's noon sa UP Diliman. Nais kong maipalabas ang dula. At nakalulungkot isipin na pagdating ko ng Maynila ipipinid pang muli maging ang aking boses.
Ngunit isang hulog ng langit ang Vinzon's Hall, si Rody Vera, si Sir Dennis Marasigan at ang UP Repertory Company. Pinayagan ng mga organizer ang dula na maipalabas sa festival ngunit venue at available technicals lang ang maibibigay nila dahil nailaan na ang budget sa mga opisyal na kasali sa festival. At ako na ang bahala sa lahat-lahat. Ikaw na, Ogie, ang maghanap ng produksiyon.
Inalako ko ang dula sa iba't ibang grupo. May mga ibang tahasang tumanggi dahil sa nilalaman ng dula. Dahil sa takot. At hayun na nga - isang grupo sa Unibersidad ng Pilipinas ang kumuha at nakipagsalaparan sa dula. Naalala ko pa noon kung paano ako nagpaliwanag sa mga kasapi ng UP Rep, sa kanilang harapan, tungkol sa dula, sa mga katotohanan na hindi sinasabi ng midya, ng mga dumadalaw dito sa Maynila na mga 'alagad ng Sining' mula sa Mindanao na pinupondahan ng gubyerno, ang aming edukasyon - sa katotohanan ng isang lipunan. Ng isang karahasan na nagaganap sa panahon ng 'peace and order'.
Mahirap pag-usapan ang isang uri ng takot na mas matanda pa kay Mahoma. Isang takot na kasing tanda ng kasaysayan ng isang lugar. At talagang mahirap pag-usapan sa madla ang mga bagay na sinasabi natin kapag nakatalikod ang isang Muslim, ang isang Moro. Hindi biro ang i-justify ang bigotry, discrimination, hypocrisy, at marginalization for the sake of survival. Sumpain ang Barbarong dumating sa ating lipunan na may dala-dalang maleta na hindi natin alam ang laman!
Maraming salamat sa UP Repertory Company sa pagtitiwalang dalhin ang Barbaro sa entablado.
At makalipas ang ilang pagpapaliwanag at pagpapalitan ng kuro-kuro sa mga kasapi ng UP Rep sa gilid ng Vinzon's isa sa kanila ang nagsabi, 'Sige, Ogie, may direktor na kami.'
At ang aking pasasalamat sa lahat-lahat ng kaluluwa na tumulong sa akin sa ilagay sa entablado at ipakita sa madla ang isang bahagi ng Lanao del Norte sa panahon ng 'peace and order'. Salamat sa aking direktor na si Nick Olanka, kay Vanessa Amante puno noon ng UP Repertory Company, sa UP Repertory Company, kay Sir Dennis Marasigan at Rody Vera, sa PETA Writers Pool lalo na kay Sir Manny Pambid at Bing Veloso. Maraming salamat sa aking literary comrade sa pagbabasa ng dula at pagbibigay sa akin ng lakas ng loob sa mga panahong ipinalalabas ang dula sa Cultural Center of the Philippines, Jelanie Mangondato. Salamat sa The Writers Bloc, Inc, sa estrangherong Meranao na nagsalin ng dayalogo sa Meranao na sa kasamaang palad hindi ko na maalala ang pangalan na siyang naging katuwang ko sa pagsulat nitong dula, at salamat kay Allah (swt). Kay Elizabeth Mapula na hindi ko iniwanan ganoon din kina Job Pagsibigan at J. Dennis Teodosio - mga mandudulang naging kaibigan ko at sumama sa akin upang mabuo ang independent production sa Virgin Labfest.
Nasa ibaba ang ilang bahagi ng Sa Pagdating ng Barbaro - paumanhin nakuha ko ang larawan sa site ni Nick Olanka at ng UP Repertory Company. Mabuhay ang malayang pag-iisip! Mabuhay ang Sining na hindi mananahimik!

"Naku, wala hong ganyan dito. Wala. Baka doon ho sa kabilang lugar. Doon sa Bosque. Sa malayo. Wala hong Eloisa dito sa amin. (Sa mga kapit-bahay) Di ba walang ganyang nakatira rito?"

"Hoy Tagalog! Kilala ko si Eloisa San Matias! Tiyahin ko iyan gusto mo tawagin ko?"

Darating si NORAIDA dala-dala ang bungkos ng labahan. Matatahimik ang lahat. Magtitinginan at magbubulungan. Tatapunan nila ng mapagdudang mga tingin si NORAIDA. Hihinto si NORAIDA nang makita niya ang nakasabit na bangkay. Blanko ang kanyang mukha. Nakayuko itong aalis. Bibigkasin nila ang mga sumusunod na linya habang nagtatapon ng mapagdudang tingin kay NORAIDA at sa kanyang tinungo.
"Hoy, Bakak, sino iyong Tagalog na dumalaw sa iyo?"
"Wala iyon. Taga-Iligan. At huwag mo akong tatawaging ‘Bakak’."
"Pati ba naman kami, Eloisa, lolokohin mo. E, ang tagal-tagal niyong nag-usap. At hindi iyon taga-rito ano!" 
"E, sino ba siyang talaga?"
" Hindi ko nga kilala. Isang estranghero. Nagtatanong kung gusto ko raw bumili ng insurance."
"Ano’ng laman ng maleta? Buksan mo nga…"
Basahin ang rebyu ng PDI sa Dula:
Saturday, August 23, 2008
Ang Mga Mananahi : Isang Pagkukuro
"Ikaw ang
Bagaman naipalabas na ang dula hindi pa ito tapos. Patuloy ko pa kasing nire-rebisa nang nire-rebisa ang dula. Palagi naging ugali ko na at nang mga kasama kong mandudula na pinupuntahan namin ang produksiyon ng aming mga dula. Hindi ko ito magawa sa produksiyon ng direktor na si Prof. Elmer Rufo ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) dahil sadyang malayo sa Maynila ang Los Baños. Ngunit natutuwa naman ako kay Prof. Rufo at napapanatag dahil malaki ang pagtitiwala niya at paggalang sa piyesa.
Maraming tumatakbo sa isip ko sa kasalukuyan sa dulang ito. Una, ewan ko ba na Hulyo pa lamang ay naisip nang ipalabas ang dula at hindi naman sinasadyang sumabay ito sa mga nagaganap sa kasalukuyan sa Mindanao. Sabi nga ng isa kong kaibigan sa text, "Ogie, sigurado ka ba riyan sa play na 'yan with all the eksena?" Ang sagot ko ay ewan ko. Sa ngayon pinu-proseso ko pa ang lahat-lahat - pero ang sigurado lang ako e titingnan ko ang lahat bilang isang mandudula, bilang isang alagad ng Sining.
Anupaman, naipakalat na ang balita at excited na rin ang mga kaibigan ko sa Manila na mapanood ang dula.
Ayaw kong magpaliwanag pero nais ko lang ibahagi kung tungkol saan ba 'Ang Mga Mananahi' - ang dula ay tungkol sa kalayaan. Sa mga pagnanais ng mga tao, na nagkataong mga Bangsa Moro, ng kalayaan. Nais ko kasing maunawaan bilang isang Filipino ang perspektibo kung paano ko tinitingnan ang Bangsa Moro struggle. Marami akong tanong sa sarili. Isa itong proseso ng pagwasak ng mga nakamulatang mga pagtingin sa mga bagay-bagay patungkol sa mga Bangsa Moro. Ano pa nga ba ang sining kundi ang pagwasak ng mga nakagawian nang istruktura?
Nais kong isa-konkreto ang kalayaan na sinasabi ng mga Moro na nakausap ko sa aking pananaliksik at pakikihalubilo.
Ang basic rule kasi sa drama at sa kahit na anong masining na naratibo, "Show don't tell." Kaya isang struggle sa akin bilang isang mandudula na i-dramatize ang 'kalayaan' na ito na unang kong narinig nang magsalita ang kinatawan ng MILF sa anibersaryo ng Jabidah Massacre sa Corregidor Island. Pero hindi ako magbabalat-kayo na na-capture ko ito nang buong-buo. Ibang tao na siguro ang magsasabi noon. Nagsalita at dumalo rin sa piging na iyon ang MNLF, ang Military, ang ilang government officials, civil society groups, at kinatawan ng mga lumad. Mahirap man itong gawain para sa akin ngunit nakatutulong naman ito sa aking sining.
Ano sa palagay mo?
****
Ang Mga Mananahi ay ipalalabas ng University of the Philippines Los Baños sa darating Septermber 8 and 9 sa Umali Hall. Ito ay sa direksiyon ni Prof. Elmer Rufo. Iniimbitahan ko ang lahat at umaasa rin ako ng inyong pagkukuro at perspektibo sa dula - Moro man o Filipino.
Sunday, August 17, 2008
Watch for my play "Ang Mga Mananahi" at the UPLB
INQUIRER.net
First Posted 17:17:00 08/15/2008
LOS BAÑOS, Laguna—The UPLB Genetics Society will stage El Laberinto de la Verdad (The Labyrinth of Truth), three one-act plays written by Palanca-winning playwrights.
Ang Mga Mananahi tackles socio-political issues, Isang Libong Tula para sa Dibdib ni Dulce is a psycho-drama play, while May Isang Alamat has the environment as its theme.
They are written by Rogelio Braga and Layeta Bucoy.
El Laberinto, which is a silver anniversary presentation of the UPLB Genetics Society, is under the direction of Prof. Elmer Rufo.
It will be staged at the D.L. Umali Auditorium at the University of the Philippines, Los Baños on September 8 and 9.
For ticket inquiries, please contact the director (09217216027) or Mr. Stanley Roy Carrascal (09174101428).
Here's from the Virgin Labfest Programme (Ang Mga Mananahi was first performed by the UP Repertory Company in July 2008 with Angeli Bayani as Director) :
ABOUT Rogelio Braga's ANG MGA MANANAHI
Set in an ‘unnamed’ place somewhere in the South on the heydays of the government’s war against the Bangsa Moro freedom fighters. A story of how four Muslim women perform the act of bravery on their bare hands and compassionate souls. “Walang kapayapaan kasi walang kalayaan…” Ang Mga Mananahi is a celebration on the triumphs of human spirit against the adversity of a cruel and ruthless power and a homage to those beautiful thoughts that keep ordinary people together to stand for freedom and lasting peace.





