Thursday, January 30, 2014

Ang Mga Mananahi sa Koronodal Ngayong Pebrero

IPALALABAS ANG AKING dula na Ang Mga Mananahi ngayong ika 1 hanggang 2 ng Pebrero sa Koronadal, South Cotabato. Ang Apat sa Taglamig (AST) ang magpapalabas ng dula sa direksiyon ni Jim Raborar.



Naisulat ko ang dula na ito matapos ang inspirasyon  nang dumalo ako sa anibersaryo ng Jabidah Massacre noong 2008. Una itong naipinalabas sa madla sa Virgin Labfest 2008 bilang entry sa staged reading category sa direksiyon ni Angeli Bayani at ng UP Repertory Company. Ang unang pagtatanghal nito bilang produksiyon ay noong 2008 sa direksyon Paul Santiago kasama ang UP Repertory Company.

Ang mga gaganap sa mga tauhan ng Ang Mga Mananahi sa Koronadal, South Cotabato ngayong Pebrero. Ito ang unang gagamitin ang dula ng mga artista mula sa Mindanao/Larawan mula sa AST

No comments:

Post a Comment