Stella: Nabubuhay tayo sa paglikha ng libo-libong alaala ng pag-ibig. Mga alaala na kayang wasakin ng isang salita, ng isang pagtatagpo, ng isang pangyayari. Pero ganoon nga naman talaga siguro ang buhay ano? Patuloy ang pagwasak: hindi dapat tayo titigil sa paglikha. Malupit ang buhay.
Maglalabas ng pigil na pagtawa si Stella. Nangungutya.
Adbulrahman: Babalik na ako sa amin sa Malabang, Stella. Sasama ako kay Hamid. Tatapusin ko lang ang huling exam bukas sa pagsasara ng semester.
Katahimikan. Malulungkot si STELLA.
Stella: Kung nag-iisip ka na isasama ako pabalik sa atin - huwag ka nang mag-abala. Hindi na ako babalik sa Lanao.
Stella (matanda): ...dahil hanggang ngayon naamoy ko pa rin ang silong ni Ama. Ang mga mababahong daga na kahit na anong linis ko tuwing umaga hindi naaalis ang lansa ng kanilang mga balahibo.
Stella: Putang ina hindi ko na babalikan ang alaala ng Tucub. Kasing baho siya ng mga balahibo ng mga daga sa silong ni Ama - nananatili ang sangsang hanggang sa panaginip.
Abdulrahman: Babalikan kita rito sa Maynila.
Stella: Hindi ako maghihintay.
(This is going to be my entry for deliberation 2009 Virgin Labfest at the Cultural Center of the Philippines - hay cross all my fingers! Thanks also to Bing Veloso and Bailan Band for the doing the song for the play - "Tagulaylay sa Kamatayan ng iyong Maratabat" - O , hayan announce ko sa universe wala nang bawian.)
No comments:
Post a Comment