NITONG MGA NAGDAANG linggo hindi ko na naman naupuan ang pagsusulat ng aking nobela. Enero pa lamang naka-set na ang target dates para sa gawaing ito. Maayos na kung kailan ang pagri-riserts, kailan isusulat ang isang kabanata, kailan magpupunta sa ganito-ganyang lugar para maghukay ng mga tala at detalye. Pinag-iipunan na ang printer na bibilhin. Nais kong maging maayos ang proseso ng lahat. Ngunit sa mga nagdaang buwan, maraming mga pangyayari at nangyayari pa rin hanggang sa kasalukuyan at napipilitan akong lumayo sa aking mesa at magtungo sa kung saan at ilaan ang oras sa kung anu-anong mga gawain.
Nagtungo ako sa Cebu, bukod sa trabaho at pagbabalik sa aking pagka-Bisaya, upang magsulat ng nobela at matapos ang isang koleksiyon ng mga maiikling kuwento na naisulat ko sa nagdaang mga taon. Malayo sa Maynila, sa mga kaibigan at sa mga gawain sa teatro. Pero galit ako sa aking sarili ngayon. Hindi ko nasusunod ang aking mga adhikain, ang mga plano, ang mga iskedyul. Maraming oras ang nasasayang at maraming mga pagkakataon at oportunidad ang naiwawaglit. Galit ako sa aking sarili.
Nitong mga nagdaang linggo aligaga ako sa pagpapalalabas ang aking mga dula sa Virgin Labfest. Masaya naman akong may dalawang dula akong ipalalabas sa Virgin Labfest at nagpapasalamat sa lahat ng suporta ng aking mga kasama sa Writers Bloc lalo na kina Rody Vera, Dennis Teodosio, Job Pagsibigan, at sa mga kaibigan ko sa PETA Writers Pool: Glen Mas, Sir Manny Pambid, kay Bing Veloso, Trixie Dauz, Tito George Kabistrante, at sa aming puno na si Tim Dacanay. Iba humila (o mang-agaw) ng oras at lakas ng manunulat ang pagpupursige sa teatro. Lalo na kung hindi ka lang mandudula at nagsusulat ka rin ng mga kuwento.
Ngayon nakikita ko na ang malaking kaibihan ng mga daigdig na aking ginagalawan. Iba ang buhay sa teatro bilang isang mandudula at iba ang buhay na tatahakin sa pagnanais na sana maibalik ko na ang momentum at disiplina sa pagsusulat ko ng fiction. Mahalaga sila sa akin. Ngunit sa ngayon ang nakikita kong pinakatamang perspektibo ay tingnan ang dalawang daigdig na ito na isang challenge na ma-balance ko ang lahat at maipanganak sa daigdig ang dapat na maipanganak na kuwento.
Seryosong gawain sa akin ang pagsusulat. Ito kasi ang itinuro sa akin ng mga kaibigan at kasama sa paglalakbay sa Sining na ito; sa mga kasama ko sa Writers Bloc, sa aking mga kaibigang manunulat at mandudula, sa mga aklat na nabasa at patuloy na binabasa, sa mga pangyayari sa aking lipunan at sa aking kapwa-tao at ang kanilang mga hamon sa mga manunulat. Minsan nalulungkot na lang ako sa aking pagmumuni tulad ngayon kung ginagawa ko nga ba ang dapat na gawin. Sa palagay ko hindi, at hindi pa sapat.
Minsan mas gusto ko ang pagsusulat ng fiction. Hindi ko kailangang makihalubilo sa mga tao, sa ibang tao, sa mga direktor, artista, audience tulad ng karanasan sa pagsusulat ng dula. Iba talaga ang daigdig ng teatro. Mahirap ang makisama at minsan nahihirapan akong makisama. Halimbawa nakasanayan ko na kasi sa Writers Bloc na kailangan marunong kang makipagbalitaktakan, alam mo kung paano mo ipaliliwanag ang iyong dula, ang iyong proseso, ang pulitika at perspektibo ng iyong mga gawain. Naka-abang palagi ang mga kasamang mandudula. Kailangan handa kang ipabasa ang dula mo kina Rody Vera, Nick Pichay, at ilan sa mga mandudula ng Writers Bloc. Ganoon din sa Writers Pool, handa ka sa mga puna at pamumuna. Sa mga praktikal na tanong ni J. Dennis Teodosio na hihilahin ka sa lupa, sa karanasan ng tao, mula sa alapaap ng mga ideya at idelohiya.
Ganito ang kinamulatan kong daigdig ng mga mandudula. Kaya minsan nahihirapan akong makipag-usap sa mga direktor na tila walang masabi sa aking dula, hindi makapagsimula ng balitaktakan sa akin sa dula, sa tearo, sa pulitika at sa mga isyung nagaganap sa daigdig. Minsan dito pa nagsisimula na nawawala ang pagtitiwala ko sa kung nasa tamang kamay ba ang aking dula. Ito ang trahedya. Sa tao, sa kaibigan, lagi kong hinahanap ang taong may opinyon, may perspektibo. Mahalaga kasi sa akin ang perspektibo at opinyon. Madali akong mahulog sa taong may interesanteng opinyon at perspektibo lalo na kung ito'y may pinanggagalingang karanasan. Ganito kasi ang aking mga kaibigan, ang mga kasamang mandudula na hinahangaan at sinasamahan.
Kaya minsan mabuti pa ang pagsusulat ng kuwento, ng nobela at ng maiikling kuwento. Masaya bagaman magastos at nakakapagod ang magriserts, ang maupo maghanapon para sa isang kabanata, ang mag-isip sa mga tauhan at magbasa ng mga aklat. Ang lungkot ng pag-iisa ngunit hindi naman nakababagot sa mesa. Wala kang ibang kalaban kundi ang sarili mo, ang wika, ang pag-iisa, ang pisikal at emosyonal na pagod, ang oras.
Nais kong maging isang nobelista, maging isang manunulat at makapaglimbag ng mga aklat. Ganito ko nakikita ang sarili ko ilang taon mula ngayon. Ngunit kailangan ko ng focus, marahil. O ng disiplina. Hindi ko alam. Naalala ko ang sabi sa akin noon ng kaibigang manunulat na si Edgar Calabia Samar na nang matapos niya ang kayang nobela saka niya naisip na wala pala siyang ibang nagawa at naisulat sa panahon na sinusulat niya ang Walong Diwata ng Pagkahulog. Isa rin kasing makata si Samar.
Sa ngayon, hinihintay ko na lang na matapos ang Virgin Labfest at makabalik muli ako sa aking mesa at magpatuloy sa aking gawain. Insha Allah matapos ang lahat bago ang Agosto (hindi ako magsusulat ng kahit na ano sa panahon ng aming Ramadan bilang panata.) Nais ko kasing gugulin ang huling dalawang buwan ng taon sa pagre-rebisa. Ngunit hindi na yata ito maisasakatuparan. Pangako ko kay Sir Manny Pambid na may nobela na ako sa Oktubre pagbalik sa Maynila.
Anupaman, masaya pa rin ako sa daigdig ng pagiging isang manunulat - obhetibo mang puna o may halong nostalgiya. Ito pa rin ang aking nais, sa buhay, sa sarili, at sa nais na tunguhin sa susunod pang mga panahon. Mabuhay ang malayang pag-iisip. Alhamdullilah.
Monday, June 22, 2009
Writing and Discipline (Random Thoughts on Theatre and Writing)
Saturday, June 20, 2009
So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Santiman a Tadman : Ars Poetica kay Abdul Rahman Macapaar
NGAYONG HUNYO, IPALALABAS sa kauna-unahang pagkakataon ang aking dula sa Cultural Center of the Philippines bilang official entry sa 2009 Virgin Labfest na isang ars poetica kay Abdul Rahman Macapaar at iniaalay ko na rin sa kanya bilang isang Filipinong mandudula.
Nais ko sanang i-repost ang isang entry sa blog ko noong Agosto (na sagot ko noon sa post ni Amina Rasul sa Kusog Mindanao yahoo egroup na siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon na ipagpatuloy ang pagsusulat nitong dula - nasa ibaba.)
Sinimulan kong seryosong upuan ang dula noong Agosto matapos makita sa telebisyon at mga pahina ng mga pahayagan sa Maynila ang mga imahen ng Lanao del Norte. Naging aktibo rin ako noon sa mga egroups na tinatalakay ang naganap na 'karahasan' sa ilang bahagi ng Lanao del Norte at Mindanao. Iyon ang buwan na ipinahinto ng Supreme Court ang 'maniobra' ng mga aking pamahalaan sa peace process sa Mindanao (sa katauhan
ng MOA-AD).
Nakita ko na namang muli ang Lanao del Norte at ang kanyang mga imahen - ang Lanao del Norte sa mata ng gubyerno, ng Nasyunalismong Filipino, ng karahasan noong Agosto. Ngunit hindi na ako maililigaw ng mga imahen na ito. Hindi na. Pumasok muli sa akin ang mga masasamang alaala ko noon sa Lanao del Norte, ang lahat ng aking nakita, naramdaman, at ang pagiging saksi sa isang malawakang karahasan ng diskriminasyon, marginalisasyon, pagsupil ng mga katotohanan at malulupit na kasaysayan sa mga Meranao, ang hypocrisy ng 'peace and order', at ang pagtatago sa katotohan.
Noong Agosto, hindi 'iyon' ang Lanao del Norte para sa akin. Ang tunay na kalupitan sa Lanao del Norte ay makikita sa mga panahon ng impokritong 'peace and order', sa lupit ng kanyang mga naratibo, sa mga sinusupil niyang katotohanan sa madla, sa akin, sa daigdig.
At nais kong mangusap noon sa katotohanan ng aking Sining. At nais kong mangusap sa isang tao na nagturo sa akin, muli, na maraming katotohanan at damdamin ang itinatago at patuloy na itinatago sa akin ng Lanao del Norte, ng aking gubyerno, ng aking Nasyunalismong Filipino. Kaya siya nariyan sa aking harapan, nakapaskil ang kanyang mukha sa mga istasyon ng tren sa sang-kamaynilaan. Na tila isang siyang torogan na magpapaalala sa amin kung bakit siya naririyan, bakit may mga 'rebelde' sa aming bayan, na may alternatibong katotohanan na pilit itinatago ng sambayanan, na may katotohanan na sinusupil ng gubyerno maging ng ibang naratibo na galing mismo sa Mindanao.
Kaya may karahasan. Kaya may gulo. Kaya may kalungkutan at dalamhati. Hindi ganoon kalayo ang Mindanao sa Maynila, sa ibang bahagi ng bansa. Kung bakit hindi naririnig ang mga pagsusumamo, ang mga sigaw, ang pag-asam sa kalayaan dahil isinara na ang mga puso, hindi na nakinig, nakapinid na ang mga mata, itinikom na ang mga bibig. Hindi na pinakinggan ang mga Moro nang sila na ang nagsalita. Ang sakit ng tadyang ay sakit ng buong katawan.
At nais kong mangusap sa kanya sa isang dula na aking Sining. Mayroon akong paggalang sa kanyang maratabat. At mananatili ang paggalang na iyon hanggang sa naniniwala siya sa kalayaan. Sa akin isa siyang Bangsa Moro. Isang matikas na kritisismo sa mga saliwang mithiin at pundasyon ng aking nasyunalismo. At nais kong ipaalam sa kanya, paulit-ulit, na kung ano man ang iyong ipinaglalaban baka sakaling iyan din ang magpapalaya sa amin bilang mga Filipino. Ang hatid niya sa akin ay isang katotohanan. Ang hatid niya sa akin ay isang pag-udyok na alamin ang mga itinatagong lihim ng aking bayan. Walang pasubali, walang paghingi ng kapatawaran.
At narito ang isang pag-aalay, maaring nagkamali ako sa aking mga sinasabi - o maaring tama rin ang aking sinasabi. Ang mahalaga sa ngayon ay ang Sining, ang pagkatao, ang katotohanan, at ang dignidad ng mga taong naniniwala sa kalayaan, tunay na kapayapaan, at isang maayos na lipunan. Alhamdullilah.
(Below is a response to a Moro woman's entry to a thread in an egroup which I am a member. The Moro woman described her and her family's experiences during the war between the government and the Bangsa Moro freedom fighters in the '70s. The thread started when a Filipino asked something on the Moro governance after the carnage in Lanao del Norte just weeks ago. I have some slight changes. Read on - RB).
THERE ARE CERTAIN narratives that escape us despite of the many horror stories that we heard or read in books - one of them is the one below. Of course we have to find the most appropriate ways of telling and re-telling the stories - telling it in a way that it will push listeners and readers to go beyond the Self and try to manage to enter in another domain or perspectives. Unfortunately these narratives failed to get into more popular media such as dailies, tvs, films, theatre and popular literary forms and artistic endeavors.
Pardon my indiscretion: So, do you think the Bravo is a bravo for Silenced chose to become an Artist more than to be reduced to an artifact of history? I dread to even welcome the act of processing the answers in my mind.
Nais ko sanang i-repost ang isang entry sa blog ko noong Agosto (na sagot ko noon sa post ni Amina Rasul sa Kusog Mindanao yahoo egroup na siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon na ipagpatuloy ang pagsusulat nitong dula - nasa ibaba.)
Sinimulan kong seryosong upuan ang dula noong Agosto matapos makita sa telebisyon at mga pahina ng mga pahayagan sa Maynila ang mga imahen ng Lanao del Norte. Naging aktibo rin ako noon sa mga egroups na tinatalakay ang naganap na 'karahasan' sa ilang bahagi ng Lanao del Norte at Mindanao. Iyon ang buwan na ipinahinto ng Supreme Court ang 'maniobra' ng mga aking pamahalaan sa peace process sa Mindanao (sa katauhan
ng MOA-AD).Nakita ko na namang muli ang Lanao del Norte at ang kanyang mga imahen - ang Lanao del Norte sa mata ng gubyerno, ng Nasyunalismong Filipino, ng karahasan noong Agosto. Ngunit hindi na ako maililigaw ng mga imahen na ito. Hindi na. Pumasok muli sa akin ang mga masasamang alaala ko noon sa Lanao del Norte, ang lahat ng aking nakita, naramdaman, at ang pagiging saksi sa isang malawakang karahasan ng diskriminasyon, marginalisasyon, pagsupil ng mga katotohanan at malulupit na kasaysayan sa mga Meranao, ang hypocrisy ng 'peace and order', at ang pagtatago sa katotohan.
Noong Agosto, hindi 'iyon' ang Lanao del Norte para sa akin. Ang tunay na kalupitan sa Lanao del Norte ay makikita sa mga panahon ng impokritong 'peace and order', sa lupit ng kanyang mga naratibo, sa mga sinusupil niyang katotohanan sa madla, sa akin, sa daigdig.
At nais kong mangusap noon sa katotohanan ng aking Sining. At nais kong mangusap sa isang tao na nagturo sa akin, muli, na maraming katotohanan at damdamin ang itinatago at patuloy na itinatago sa akin ng Lanao del Norte, ng aking gubyerno, ng aking Nasyunalismong Filipino. Kaya siya nariyan sa aking harapan, nakapaskil ang kanyang mukha sa mga istasyon ng tren sa sang-kamaynilaan. Na tila isang siyang torogan na magpapaalala sa amin kung bakit siya naririyan, bakit may mga 'rebelde' sa aming bayan, na may alternatibong katotohanan na pilit itinatago ng sambayanan, na may katotohanan na sinusupil ng gubyerno maging ng ibang naratibo na galing mismo sa Mindanao.
Kaya may karahasan. Kaya may gulo. Kaya may kalungkutan at dalamhati. Hindi ganoon kalayo ang Mindanao sa Maynila, sa ibang bahagi ng bansa. Kung bakit hindi naririnig ang mga pagsusumamo, ang mga sigaw, ang pag-asam sa kalayaan dahil isinara na ang mga puso, hindi na nakinig, nakapinid na ang mga mata, itinikom na ang mga bibig. Hindi na pinakinggan ang mga Moro nang sila na ang nagsalita. Ang sakit ng tadyang ay sakit ng buong katawan.
At nais kong mangusap sa kanya sa isang dula na aking Sining. Mayroon akong paggalang sa kanyang maratabat. At mananatili ang paggalang na iyon hanggang sa naniniwala siya sa kalayaan. Sa akin isa siyang Bangsa Moro. Isang matikas na kritisismo sa mga saliwang mithiin at pundasyon ng aking nasyunalismo. At nais kong ipaalam sa kanya, paulit-ulit, na kung ano man ang iyong ipinaglalaban baka sakaling iyan din ang magpapalaya sa amin bilang mga Filipino. Ang hatid niya sa akin ay isang katotohanan. Ang hatid niya sa akin ay isang pag-udyok na alamin ang mga itinatagong lihim ng aking bayan. Walang pasubali, walang paghingi ng kapatawaran.
At narito ang isang pag-aalay, maaring nagkamali ako sa aking mga sinasabi - o maaring tama rin ang aking sinasabi. Ang mahalaga sa ngayon ay ang Sining, ang pagkatao, ang katotohanan, at ang dignidad ng mga taong naniniwala sa kalayaan, tunay na kapayapaan, at isang maayos na lipunan. Alhamdullilah.
(Below is a response to a Moro woman's entry to a thread in an egroup which I am a member. The Moro woman described her and her family's experiences during the war between the government and the Bangsa Moro freedom fighters in the '70s. The thread started when a Filipino asked something on the Moro governance after the carnage in Lanao del Norte just weeks ago. I have some slight changes. Read on - RB).
THERE ARE CERTAIN narratives that escape us despite of the many horror stories that we heard or read in books - one of them is the one below. Of course we have to find the most appropriate ways of telling and re-telling the stories - telling it in a way that it will push listeners and readers to go beyond the Self and try to manage to enter in another domain or perspectives. Unfortunately these narratives failed to get into more popular media such as dailies, tvs, films, theatre and popular literary forms and artistic endeavors.
When I was young my concept of 'Mindanao' was that the one popularized by a group ASIN (which was a favorite of some old aunties and titos of the house) then I was bombarded with small stories of war with MNLF and 'those people who are taking away my country'. Years after listening to ASIN - I can no longer accept 'Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko..." as someone speaking to me, a Filipino, a ManileƱo, the 'realities' Mindanao. Or, 'Kapwa Filipino ay pinapahirapan mo' that pushed me to asked who is this 'kapwa Filipino na nagpapahirap sa kapwa Filipino?' - and I discovered that this is just one of the many voices in Mindanao - a 'settler's point of view' of Mindanao. A Bisaya telling everybody about the 'Mindanao'. And these songs and the perspective they carry are so popular that it pushes away other voices at the margins, including that of the Moro.
The problem with Mindanaoans when they talk about their experiences in the many forms of media possible is the seemingly absence of the Self, of the internal introspection of a human person. The central goverment is also a culprit, or the main culprit, for this situation - government agencies supporting 'artistic' and 'cultural endeavors' that promote certain perspectives. One time I asked a certain government official from a government agency for some information on how can I acquire grants on certain research I am inclined to undertake for my play on how an ordinary Filipino sees the Bangsa Moro struggle and he said - 'Kung magu-unite sa amin we support it, but if not hindi.' Unite, as it was told to me - the topic of my work should teach and adhere to a certain perspective. 'Unite' is a very tricky word so as 'peace and order' - it means differently from various perspectives. A 'peace and order' in Iligan, Linamon, Kauswagan, and Kolambugan (places I've been to and write cylcles of plays capturing the 'soul' of the place) is different from the 'peace and order' from a Kagan Bangsa Moro friend I met in a conference in Manila. Or that from a Meranao Bangsa Moro student from MSU-Marawi that become my literary comrade.
So the failures of popular literary and artistic forms of a city that claims to be 'Christian', 'Modern' and 'with peace and order' were manifested when someone spoke of freedom and ancestral domain - everyone rushed to their streets and rally against it without letting 24 hours to pass by where they can discuss and think of what happened. Yes, they were not included in the process nor consulted, that's the fact. But the display of bigotry and suppressed hatred were suddenly, in a sweeping intervention from corrupt leaders, have been apparent. So, it was manifested also recently, violently - what happened to the three municipalities in Lanao del Norte.
It is not to pardon the act but beyond it there is an 'invitation' - an invitation for us that we failed to listen, that we failed to provide a venue, legitimate or not, for people to tell their stories, their perspectives, the horrors of their sadness, the hidden and suppressed anger passed on from one generation to another.
Who's to blame for this debauchery? It is the failure of a society to provide a venue where the Self can locate 'itself' from the universe of all this rushing events. The Self subordinated to history - again and again. The Self subordinated to overpowering censors of powerful regime/s.
Pardon my indiscretion: So, do you think the Bravo is a bravo for Silenced chose to become an Artist more than to be reduced to an artifact of history? I dread to even welcome the act of processing the answers in my mind.
_______________________________
Ang So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman ay ipalalabas sa Tanghalang Huseng Batute (Cultural Center of the Philippines) sa June 23 to July 6 ng 2009 Virgin Labfest ng the Writers Bloc, Inc, Tanghalang Filipino, Cultural Center of the Philippines. Dalawin ang website http://www.virginlabfest.com/. Ang dula ay sa direksiyon ni Riki Benedicto kasama ng musika ng Bailan ("Tagulaylay sa Kamatayan ng Iyong Maratabat").
Sunday, May 31, 2009
2009 Virgin Labfest Plays (This June at the Cultural Center of the Philippines)
| The Virgin Labfest is a venue for playwrights, directors and actors to bring to life 'untried, untested, unpublished and unstaged' one act plays. The festival is sponsored by the Cultural Center of the Philippines, Tanghalang Filipino, National Commission for Culture and the Arts, and The Writers Bloc, Inc. SET A School of Life (Mga Dulang Walang Pinag-aralan) June 23: 3pm, 8pm July 4: 8pm July 5: 3pm MPC ni Job Pagsibigan, to be mounted by the Dulaang Sipat Lawin Humdrum pupil Felix Bakat is already the brightest student in the sub- standard Mababang Paaralan ng Caniogan or MPC. He and his two other friends, Erwin & Didai, had the misfortune of being the only three students to report to their class one stormy school day. Their teacher, the terrifying Miss Magnaye, prepares them for her teaching demo which she and her students are scheduled to present before their visiting school superintendent, Mr. Catacutan. On the day of the teaching demo, Erwin & Didai plan to steal from Miss Magnaye’s stock of canned goods; a business the teacher keeps to augment what she earns from the profession she herself despises. But just when Mr. Catacutan is already enjoying the teaching demo, Erwin and Didai are found out. Miss Magnaye points to Felix as the one behind the conspiracy. How the children are eventually cleared of the mischief is no small help from the school’s legendary ghost, Pilita and the violent storm that ties Pilita’s fate to that of Miss Magnaye. Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes ni Tim Dacanay, director Hazel Gutierrez A high school music teacher at the crossroads of life decides to retire. She faces her class for one last session and improvises a lecture on a topic she considers most important for her audience: sex. Pandaraya ni Oggie Arcenas, director Roli Inocencio Isadora, a student who is about to graduate summa cum laude from a prestigious university is accused of cheating during an examination. The accuser is Amor, an underachieving student, and the campus slut. The two face-off before the Student Disciplinary Tribunal which is hearing the cheating case. As the hearing unfolds, secrets are revealed, and a jaded society’s value system takes the spotlight. SET B It's Complicated (The Buhul-Buhol Trilogy) June 24: 3pm, 8pm July 3: 8pm July 4: 3pm Salise ni J. Dennis Teodosio, director: Roobak Valle A laptop was stolen. In a desperate attempt to retrieve it, a soap opera writer discovers a life story that's stranger and juicier than the teleseryes he's been writing. Ang Mamanugangin ni Rez ni Clarissa Estuar, director: Paolo O'Hara Enter Pinay’s world, which for most of the day is compressed into a small bag/shoe repair stall she manages at a mall. Here, even simple dreams seem out of reach, and simple Pinay constantly just fades into the background. She makes one last ditch effort for something she truly wants, or rather someone she truly wants only to question why she set her aspirations on that one man, of all people. So Sangibo A Ranon Na Piyatay O Satiman A Tadman ni Rogelio Braga, director Riki Benedicto Written by a Filipino playwright as an ars poetica to a Bangsa Moro freedom fighter Abdul Rahman Macapaar is a story of love, lost and remembrance. Stella, a hooker from the university belt during the Martial Law years remembers the 1971 Tacub Massacre in Kauswagan, Lanao del Norte, Abdul Rahman who longs for a Ranao he left to pursue a dream in Manila, and Aling Ella a spinster who remembers a lost love that haunts her like a ghost. So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman is both a story of how ordinary people struggle for love, self-respect, freedom and maratabat amid a nation that harbors a dark past and an invitation to a journey in one of the sordid histories of Filipino Nationalism against the Bangsa Moro people. SET C Blood Sports (Trilohiyang Dinuguan ) June 25: 3pm, 8pm July 3, 3pm July 5: 8pm Kitchen Medea ni Kiyokazu Yamamoto, director: Yoshida Toshihisa Doc Resurrecion: Gagamutin ang Bayan ni Layeta Bucoy, director: Tuxqs Rutaquio With the desire to introduce positive changes to his community, Doc Resureccion ran for Mayor. Unfortunately, his cousin, Boy Pogi Resureccion ran as a nuisance candidate challenging Doc Resureccion' s chances. Bearing gifts and promises of a better future, he tries persuading his cousin to withdraw his candidacy only to find out that the community he so wanted to help desires a different path for itself. Asawa/Kabit ni George de Jesus III, director George de Jesus III Two middle-aged women, Via and Vanessa, confront each other about the man they both loved for more than 25 years. Through a scathing conversation, resentments and regrets surface like land mines forcing both women to evaluate the immutable choices they made in the name of love, the unbearable burden of hope, and the contentiousness of believing in a man's fidelity. SET D The Family That _______s Together (Tatlong Dulang Walang Diyos) June 25: 3pm, 8pm July 3, 3pm July 5: 8pm Boy-Girl ang Gelpren ni Mommy ni Sheilfa Alojamiento, director Carlo Garcia Two kids, caught in adult infidelity games, took time off away from their errant father's house and spend a vacation one summer in their divorced mother's place in another city and get to know her and her girlfriend. Maliw ni Reuel Molina Aguila, director Edna Vida How does one close a chapter still to be written? Five years after the forced-disappearanc e of her eldest daughter, a mother confronts this question. The play is set after her family celebrates her eldest daughter’s 30th birthday. Cherry Pink and Apple Blossom White ni George Vail Kabristante; director: Paul Santiago This is a document of the times when club entertainers in Japan used to pick yen from the walls of clubs to be remitted to their families back home for saving or for squandering. It zeroes in on former entertainers husband and wife Jay-Ar and Leizl and their dream to go back to Japan which has become an impossibility, given that the Japanese government has absolutely made it difficult now for anyone to work there as club entertainer. Hinting at Chekovian absurdities & humor , the characters continue dreaming and role-playing to relive the good old days. In laughing at themselves and acting “up” and “out” the dark humors and their memorable past in Japan, these two characters find their plight less painful to bear. SET E Life is a Trap (Three Plays in Search of Escape) June 27: 3pm, 8pm June 30: 8pm July 1: 3pm Isang Araw sa Peryahan ni Nicolas B. Pichay, director: Chris Millado Zaldy and Toni, two friends whose family members have been the victims of forced disappearances, amble along a jologs Peryahan. They grope in the dark shadow of a world weighed by uncertainties and fear. Engaged in the ritual of forgetting, the two friends' undefined relationship adds a nagging ambiguity in their lives making it difficult for them to define a future. Hope, for them can be a tricky sleight of hand; a slow and treacherous rickity ride to hell. Paigan ni Liza Magtoto, director: Sigrid Bernardo Fagen ("Paigan"), an Afro-American soldier who deserted his camp to fight side-by-side with the Filipino revolutionaries, is wanted by the Americans for the price of $600-- a hefty sum at the time. Desperate for money, Pedring captures Fagen and is set to behead him when Tacio, a former comrade, and the Filipina wife of the captive beseech him. The play explores a possible scenario posed by historical essays on the true-to-life story of the guerilla fighter who defected to our side during the Filipino-American War. Hate Restaurants ni David Finnigan, director: Victor Villareal Hate Restaurants is a command. Hate restaurants. Hate them. This play follows the trials and tribulations of a small pancake restaurant during the biggest breakfast of the year. Head chef and restauranteur Louise is incapacitated after an unfortunate encounter with a giant rat, leaving waiters Louise and Billy and mild-mannered kitchen-hand Toby to handle a booking of 70 businessmen who are suspiciously picky in their requirements The Virgin Labfest 4 Revisited set of three plays include June 28: 3pm, 8pm July 1: 8pm July 2: 3pm Floy Quintos's Ang Kalungkutan ng mga Reyna Rogelio Braga's Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte. Job Pagsibigan's Uuwi na ang Nanay kong si Darna STAGED READINGS Tim Dacanay's adaptation of Harold Pinter's Betrayal: Kataksilan Joshua Lim so's adaptation of Alfred Jarry's Ubu Roi: Noong Minsan May Nanungkulan sa San Lazaro Joel Trinidad's musicale: Breakups and Breakdowns SPIT will also come up with an improvisational devised piece. Anthology includes 15 plays. I selected and edited the plays for the volume, in consultation with former TP Artistic Dir Dennis Marasigan. The anthology will be launched on June 23, 2009, the opening day of the Labfest. The anthology contains: Year 1: Rite of Passage by Glenn Mas Geegee at Waterina by J. Dennis Teodosio Year 2: Ang Unang Aswang by Rody Vera The Palanca in my Mind by Job Pagsibigan Tres Ataques de Corazon (The angina Monologues) by Nicolas Pichay Hubad by Liza Magtoto and Rody Vera Year 3: Mga Obra ni Maestra by Njel de Mesa Three sisters: Isang Noh by Yoji Sakate Teroristang Labandera by Debbie Ann Tan Ellas Inosentes by Layeta Bucoy Year 4: Pamantasang Hirang by Tim Dacanay Dong-Ao by F. Sionil Jose Masaganang Ekonomiya by Allan Lopez Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte by Rogelio Braga Ang Kalungkutan ng mga Reyna by Floy Quintos For details on the Virgin Labfest, call 8321125 loc. 1600 or 8323661. Nikki Torres at 8321125 loc. 1607 or 832-2314 or email http://us.mc519.mail.yahoo.com/mc/compose?to=drama_ccp@yahoo.com. |
2009 Virgin Labfest Plays
MAYROON AKONG DALAWANG dula ngayong taon sa Virgin Labfest (VLF) sa Cultural Center of the Philippines. Ang isa ay isang bagong dula at ang isang naman, reprise sa performance nito last year. Ang VLF 09 ay gaganapin mula June 23 hanggang sa July 5. May labing limang (15) dulang ipalalabas, public readings ng mga full length plays, book launch ng Virgin Labfest Anthology, at writing workshop. Ipalalabas lahat ang mga dula sa Tanghalang Huseng Batute (THB) sa CCP mismo.
Sana'y maging successful muli ang Virgin Labfest ngayong taon at dayuhin muli ng mga taong mahilig manood ng dula at iyong nais makisilip sa kung ano nga ang kontemporanyong anyo, tema, sensibilidad ng teatro sa ating bayan. Ang VLF ay festival ng mga 'untried, untested, and unpublished' plays.
Ang VLF ay hinahandong ng aming grupo, The Writers' Bloc, Inc isang samahan ng mga mandudula, ng Cultural Center of the Philippines, at National Commission for Culture and the Arts. Narito ang dalawa sa aking mga dula:
Ang Bayot, ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte (2008) with Joey Paras and Arnold Reyes directed by Nick Olanka. June 28 3PM and 8PM, July 1 8PM, July 2 3PM. An unusual rendezvous of two beautiful and sharp-tongue outspoken creatures living at the margins of our society. Take a peak on their engagement as they courageously travel— devoid of any inhibitions, political correctness, and social graces—that rough and 'older than history' roads of discrimination, hypocrisy, bigotry,social divides, corruption and unspoken violence to arrive in a decent friendship. Ang Bayot, ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte is a bitter yet funky peppered with a Radio Active Sago Project kick-ass take on the cruelties of our society that condones discrimination which is definitely not so cool.
The play got 5 Gawad Buhay Nominations in 2008 and two nominations for Best Actors in 2008 Aliw Awards (Joey Paras won as Best Actor).
So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman (2009) directed by Riki Benedicto. Written by a Filipino playwright as an ars poetica to a Bangsa Moro freedom fighter Abdul Rahman Macapaar is a story of love, lost and remembrance. Stella, a hooker from the university belt during the Martial Law years remembers the 1971 Tacub Massacre in Kauswagan in Lanao del Norte, Abdul Rahman who longs for a Ranao he left to pursue a dream in Manila, and Aling Ella a spinster who remembers a lost love that haunts her like a ghost. So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Santiman a Tadman is both a story of how ordinary people struggle for love, self-respect, freedom and maratabat amid a nation that harbors a dark past and invitation to a journey in one of the sordid histories of Filipino Nationalism against the Bangsa Moro people.
Ang bago kung dula ay ang ikatlo sa trilohiya ko ng dula (pagkatapos ng Sa Pagdating ng Barbaro at Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte).
Ang So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman ay dulang naisulat ko patungkol sa mga uri ng relasyon mayroon tayong mga tao at kung paano nga ba natin lilingunin ang isang malungkot na karanasan, halimbawa ang karahasan o ang nawala o nalimot na pag-ibig. Isa itong dula na 'challenge' baga ng direktor ko noong isang taon (Nick Olanka) na sumulat naman daw ako ng 'love story' na play. Kaya sinubukan kong ukilkilin ang mga tagong bahagi ng aking alaala at gawing inspirasyon sa bagong dula.
Ewan. Mahirap ang sumulat ng 'love story' lalo na kung isang napakalayong karanasan sa iyo ang pag-ibig, ang umibig, at ibigin. Ayaw ko namang magpanggap na alam na alam ko na talaga ng pag-ibig at ang lahat ng kompleksidad nito bilang damdamin at bilang isang pisi na magbibikis sa mga rela-relasyon. Ni hindi ko nga alam ang pakiramdam ng inibig na higit pa sa pag-ibig na kayang ibigay sa iyo ng iyong mga kamag-anak at mga magulang at kaibigan.
Sa dulang ito inspirasyon ko rin ang Abdul Rahman Macapaar. "Ang" ginamit ko dahil hindi ko naman siya kilala bilang tao. Insipirasyon ko ang Abdul Rahman Macaapar -- ang lahat ng sinisimbolo niya sa akin sa personal na lebel, pulitikal, at maging sa aking Sining. Mahalaga marahil ang Abdul Rahman Macaapar sa akin sa mga susunod na paglalakbay ng aking pagsusulat.
Sana sa darating na Hunyo sa VLF, mapangatawanan ng dula na ito na nakasulat ako ng isang 'love story' at isang dula na mangungusap sa daang tatahakin ng aking pagsusulat (ng dula at ng mga kuwento sa mga susunod pang taon na darating sa akin insha Allah.)
Hindi ko alam pero ibibigay ko na lamang sa mga manonood ang pagpapasiya. Magkita-kita nawa tayo sa Virgin Labfest.

Labels:
Bangsa Moro,
Playwrights,
Theatre,
Virgin Labfests
Sunday, May 24, 2009
Dula at Pagtitiwala
DALAWA SA AKING mga dula ang ipalalabas ngayong taon sa Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines sa Hunyo ayon kay Rody Vera, ang festival director. Ipalalabas muli Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte at ang bago kong dula, So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman. Si Nick Olanka muli ang director ng habal-habal play at si Rikki Benedicto naman ang sa So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman.
Medyo challenging sa akin (at sa aking direktor) ang sitwasyon ko ngayon sa Virgin Labfest, malayo kasi ako sa Maynila. Nandito ako sa Cebu City. Mahalaga kasi sa akin ang makausap ang direktor at ang mga artista sa dula. Minsan marami kasi silang tanong. Minsan, mas mabuti na ako na rin ang magpaliwanag. Anupaman, challenge sa akin ang sitwasyong ito dahil kailangan kong gamitin ang teknolohiya at ang walang kamatayang virtue ng pagtitiwala. Pagtitiwala sa aking direktor, sa mga tao sa produksiyon at sa mga artista sa aking dula.
Pagtitiwala sa aking Sining.
Lagi kong sinisimulan ang ritwal sa mga theatre company na gumagamit ng aking piyesa ang pagpapaalala na tayo ay mga Filipino, mga Manilenyo, at ang iba ay mga Kristiyano at ating dula ay mangungusap ng Mindanao, ng mga Bangsa Moro - kailangan sensitibo tayo sa cultural at religious nuances sa dula maging ang historical context ng mga sitwasyon. Kaya binabasa ng mga kaibigang Meranao sa Marawi City ang dula at patuloy ko itong nirerebisa kahit nagsisimula na ang rehearsal (iba ang script na ginagamit noon nina Angeli Bayani at Eric dela Cruz sa script na hawak ng ibang tauhan sa dulang Sa Pagdating ng Barbaro dahil hindi pa dumarating ang responses ng mga readers mula sa Marawi), kaya hindi puwedeng magdagdag at magbawas ng linya ang mga artista. Kailangan may Moro sa produksiyon at matuto tayong makipag-usap sa mga Moro na hindi natin kailangan mag-impose at mag-assume.
Malimit akong umuupo sa harap ng direktor at tinatanong ko sa kaniya kung ano ang kanyang perspektibo sa aking dula. Mahalaga sa akin na nauunawaan ng direktor ang pulitika, konteksto, maging ang mga religious at cultural nuances sa aking dula, maging ang inaasahang responses ng manonood sa dula. Kailangan laging handa. Kailangan maging sensitibo. Minsan hinahikayat kong mag-riserts ang direktor at ang mga artista - ano ang maratabat, ano kasaysayan ng Lanao, ang ano Bangsa Moro. Mahalaga sa akin ang sensibilidad ng direktor dahil doon ko rin nauunawaan kung paano ko nga ba aayusin aking akda dahil ang Virgin Labfest ay isang proseso.
Masaya ako sa ganitong proseso dahil nakikita ko rin ang sensibilidad ng kapwa Filipino na naninirahan sa Maynila kapag pinag-uusapan ang mga Moro.
Ngayon ko lang nararamdaman ang maging malayo sa Maynila, malayo sa mga entablado. Hindi ko alam pero nais ko na lang isipin na magiging maayos ang lahat, baka nga hindi pa ako makapunta sa Maynila sa festival. Kahit wala ako sa rehearsal, sa first reading para sagutin ang tanong ng mga artista, sa technical dress rehearsal, sa chikahan kasama ang mga kaibigang mandudula sa Writers Bloc, Inc. at sa PETA Writers Pool, iisipin ko na lang marahil na ganoon talaga siguro. Magtiwala.
Sa lahat ng dula na naisulat ko sa mga nagdaang taon ang So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman ang pinakamahirap. Mahirap dahil mabigat siya sa dibdib at sa isipan. Paano ba itatanong sa sariling bayan ang isang krimen na maging siya ay pilit niyang itinatago sa pinakakubling bahagi ng kanyang kasaysayan? Paano mo itatapon sa daigdig ang isang uri ng karahasan na walang pagkondena sa sarili mong bayan? Paano mo uukilkilin sa sarili mo ang nakatagong karahasan sa pinakamalalim na bahagi ng iyong pagkatao - ang maging isang Filipino sa harap ng isang Moro?
Kagabi, hindi ako makatulog, naglakad-lakad ako, paikot-ikot sa harapan ng Redemptorist Church at Mango Avenue. Hindi ko alam pero parang may bumabagabag sa akin. Mabigat ang aking dibdib. Nalulungkot yata ako dahil sa pag-iisa sa isang malayong lugar o iniisip ko lang ang aking dula at ang ilang dula na naisulat sa nagdaang mga taon. Biglang nagtext sa akin ang isang kaibigang Meranao na nasa Marawi City; nagpapasalamat sa dula na natapos niyang basahin sa hapon. Siya palagi ang nagbabasa ng aking mga dula at nagbibigay ng mga komento. Marami siyang sinabi bilang isang Meranao, bilang isang Moro, at sa dula na kanyang nabasa. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Sinabi ko na lang sa kanya na ako ay Filipino at mahirap ang dulang iyan para sa akin. Nais kong lakbayin ang aking damdamin, bakit ganoon na lamang ang aking nararamdaman. Siguro, dahil parang wala akong kakampi. Walang nakauunawa sa akin. O, wala nakauunawa sa akin at sa kung saan ako nanggagaling. Ewan.
Ngunit wala akong dapat na isipin sa ngayon kundi ang magtiwala sa aking Sining at marahil ito rin ang magliligtas sa akin. Muli, magtiwala. Kailangan kong matutunan ang mamuhay nang mag-isa.

Wednesday, April 8, 2009
Interview
SA LOOB NG isang History Department sa loob ng isang Katolikong unibersidad na nasa isang Katolikong siyudad, siyudad na nasa isang Katolikong bansa.
Historian: So, you are good as pass.
Applicant: Thank you, sir. Thank you.
Historian (habang sinisipat ang application papers na matagal na niyang nabasa): I see here...I see here that you are...a Muslim. Right! A Muslim!
Applicant: Ah, yes sir.
Historian: Ah s'an ka sa Mindanao?
Applicant: Ay hindi po. I'm from Manila.
Historian: I sensed that you are Tagalog.
Applicant: No, sir. My parents are Visayan: my mother is a Waray and my father is a Negrense. But I was born and raised in Manila.
Historian: Ah you're a Balik-Islam.
Applicant: No, sir. I am a Muslim.
Historian: But you are from Manila?
Applicant: I am a Filipino Muslim.
Patlang.
Historian: Any field of specialization in case you start your studies here?
Applicant: I want to study the Kagan Bangsa Moro...yes, Kagan History, sir.
Historian: Ah, Filipino Muslims in the South. That's interesting. We have students here from Mindanao and professors specialized in Filipino Muslim's history in the South.
Applicant: No, sir, Moro History.
Historian: Filipino Muslim's history in Mindanao.
Applicant: Moro History, sir. Not Filipino.
Sa loob ng isang History Department sa loob ng isang Katolikong unibersidad na nasa isang Katolikong siyudad, siyudad na nasa isang Katolikong bansa... may dalawang Pilipinong hindi nagka-intindihan.

Thursday, April 2, 2009
Jabidah Massacre Celebration (Post Mortem)
ISA SA MGA napakalaking bagay na hindi ko nagawa sa taong ito ang ay ang dumalo muli sa anibersaryo ng Jabidah Massacre sa Corregidor Islands sa Bataan. Mahalaga ang pagtitipon na ito sa akin bilang tao, isang Filipino, at isang manunulat. Marami kasi akong natututunan sa paglingon sa isang bahaging ito ng aking kasaysayan. 'Aking' ang ginamit ko na ang ibig kong sabihin kasaysayan ng Pilipinas at ng mga Filipino. Mahalaga na sa akin ngayon na alam ko kung paano titingnan ang Jabidah Massacre: sa perspektibo ng kasaysayan ng Bangsa Moro at sa perspektibo ng kasaysayan ng mga Filipino. Hindi sila iisa.Ngayong taon lumiban ako sa piging. Nandito kasi ako sa Cebu at nagtatrabaho. Nais ko mang bumalik ng Maynila at dumalo napako ako sa mga gawain sa opisina. Anupaman sa isang sulok ng aking silid inisip kong muli ang aking mga karanasan sa piging. Noong Marso, 2008. Sa Corregidor at maliit at maikli naming huntahan ni Jabin Arula. Naaalala ko noon sa aming usapan kung paano niya inilahad ang mga pangyayari. Ang taas ng araw, ang kulay ng usok, ang mga kapit-bahay niya noon na sumama sa kanya para maging 'sundalo', ang pangako na babalik na sila sa Tawi-Tawi. May mga bagay na hindi pinag-uusapan ng mga Filipino dahil masakit ding itong tanggapin sa sarili; may mga kasaysayan na pilit nating kinalilimutan dahil sadyang takot tayong magpatawad at humingi ng tawad. Kay daling lumimot at magpanggap na dadaloy ang buhay nang pasulong.
Dumalo ako noon sa Jabidah Massacre celebration dahil may mga bagay akong nais matutunan sa isang karanasan. Sa mga panahong iyon marami kasi akong tanong, sa sarili, sa nangyari sa akin sa dating kong trabaho, sa mga kalsabahiang nasaksihan ko noon sa mga Meranao sa Lanao del Norte. Nitong mga nagdaang araw kasi hindi ko na naman madisiplina ang aking sarili na tapusin ang aking dula na So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman para sa Virgin Labfest sa Hunyo. Hindi ko alam kung bakit pero may suspetsa ako na may kailangan akong balikan sa aking kasaysayan. Hindi hadlang ang Cebu at ang kakaibang daigdig sa lugar na ito para maiwaglit ang mga dapat tapusin at ipinangako sa sariling personal na pakikibaka. Maraming boses ang pinatatahimik sa bayang ito. Ayaw ko nang dumagdag. Maraming pagbabalat-kayo. Maraming hiindi itinuro sa akin ang mga paaralan at unibersidad na aking pinasukan. At palagi kong tinatanaw ang Jabidah Massacre bilang pagbubukas ng sarili bilang isang Filipino, isang katapangan at selebrasyon ng katapangan sa pagharap sa sariling mga demonyong nananahan sa aking kasaysayan.
Saan man ako ipadpad ng aking pagsusulat, ng aking Sining, isa lang ang lagi kong isasagot bilang Filipino at bilang isang manunulat: Ang Bangsa Moro ay hindi lamang pakikipagtunggali para sa pagiging isang lipi at sa pagsasarili; isa itong pakikipagtunggali para sa kalayaan ng tao. Kaya ito ay unibersal. Kaya ito ay mahalaga sa akin. Alhamdullilah.
Subscribe to:
Posts (Atom)