MAYROON AKONG DALAWANG dula ngayong taon sa Virgin Labfest (VLF) sa Cultural Center of the Philippines. Ang isa ay isang bagong dula at ang isang naman, reprise sa performance nito last year. Ang VLF 09 ay gaganapin mula June 23 hanggang sa July 5. May labing limang (15) dulang ipalalabas, public readings ng mga full length plays, book launch ng Virgin Labfest Anthology, at writing workshop. Ipalalabas lahat ang mga dula sa Tanghalang Huseng Batute (THB) sa CCP mismo.
Sana'y maging successful muli ang Virgin Labfest ngayong taon at dayuhin muli ng mga taong mahilig manood ng dula at iyong nais makisilip sa kung ano nga ang kontemporanyong anyo, tema, sensibilidad ng teatro sa ating bayan. Ang VLF ay festival ng mga 'untried, untested, and unpublished' plays.
Ang VLF ay hinahandong ng aming grupo, The Writers' Bloc, Inc isang samahan ng mga mandudula, ng Cultural Center of the Philippines, at National Commission for Culture and the Arts. Narito ang dalawa sa aking mga dula:
Ang Bayot, ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte (2008) with Joey Paras and Arnold Reyes directed by Nick Olanka. June 28 3PM and 8PM, July 1 8PM, July 2 3PM. An unusual rendezvous of two beautiful and sharp-tongue outspoken creatures living at the margins of our society. Take a peak on their engagement as they courageously travel— devoid of any inhibitions, political correctness, and social graces—that rough and 'older than history' roads of discrimination, hypocrisy, bigotry,social divides, corruption and unspoken violence to arrive in a decent friendship. Ang Bayot, ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte is a bitter yet funky peppered with a Radio Active Sago Project kick-ass take on the cruelties of our society that condones discrimination which is definitely not so cool.
The play got 5 Gawad Buhay Nominations in 2008 and two nominations for Best Actors in 2008 Aliw Awards (Joey Paras won as Best Actor).
So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman (2009) directed by Riki Benedicto. Written by a Filipino playwright as an ars poetica to a Bangsa Moro freedom fighter Abdul Rahman Macapaar is a story of love, lost and remembrance. Stella, a hooker from the university belt during the Martial Law years remembers the 1971 Tacub Massacre in Kauswagan in Lanao del Norte, Abdul Rahman who longs for a Ranao he left to pursue a dream in Manila, and Aling Ella a spinster who remembers a lost love that haunts her like a ghost. So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Santiman a Tadman is both a story of how ordinary people struggle for love, self-respect, freedom and maratabat amid a nation that harbors a dark past and invitation to a journey in one of the sordid histories of Filipino Nationalism against the Bangsa Moro people.
Ang bago kung dula ay ang ikatlo sa trilohiya ko ng dula (pagkatapos ng Sa Pagdating ng Barbaro at Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte).
Ang So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman ay dulang naisulat ko patungkol sa mga uri ng relasyon mayroon tayong mga tao at kung paano nga ba natin lilingunin ang isang malungkot na karanasan, halimbawa ang karahasan o ang nawala o nalimot na pag-ibig. Isa itong dula na 'challenge' baga ng direktor ko noong isang taon (Nick Olanka) na sumulat naman daw ako ng 'love story' na play. Kaya sinubukan kong ukilkilin ang mga tagong bahagi ng aking alaala at gawing inspirasyon sa bagong dula.
Ewan. Mahirap ang sumulat ng 'love story' lalo na kung isang napakalayong karanasan sa iyo ang pag-ibig, ang umibig, at ibigin. Ayaw ko namang magpanggap na alam na alam ko na talaga ng pag-ibig at ang lahat ng kompleksidad nito bilang damdamin at bilang isang pisi na magbibikis sa mga rela-relasyon. Ni hindi ko nga alam ang pakiramdam ng inibig na higit pa sa pag-ibig na kayang ibigay sa iyo ng iyong mga kamag-anak at mga magulang at kaibigan.
Sa dulang ito inspirasyon ko rin ang Abdul Rahman Macapaar. "Ang" ginamit ko dahil hindi ko naman siya kilala bilang tao. Insipirasyon ko ang Abdul Rahman Macaapar -- ang lahat ng sinisimbolo niya sa akin sa personal na lebel, pulitikal, at maging sa aking Sining. Mahalaga marahil ang Abdul Rahman Macaapar sa akin sa mga susunod na paglalakbay ng aking pagsusulat.
Sana sa darating na Hunyo sa VLF, mapangatawanan ng dula na ito na nakasulat ako ng isang 'love story' at isang dula na mangungusap sa daang tatahakin ng aking pagsusulat (ng dula at ng mga kuwento sa mga susunod pang taon na darating sa akin insha Allah.)
Hindi ko alam pero ibibigay ko na lamang sa mga manonood ang pagpapasiya. Magkita-kita nawa tayo sa Virgin Labfest.
No comments:
Post a Comment