NALIKOM KO SA mga kaibigan ang ilan sa mga larawan na kuha sa isa sa aking entries sa nagdaang Virgin Labfest 2008 sa Cultural Center of the Philippines. Nais ko lang ibahagi ang ilan. Ang mga larawang ito ay mula sa aking dula na Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte (2008) na produksiyon muli ng aking kolaborasyon sa UP Repertory Company. Ang dula ay kinabibilangan nina Arnold Reyes (Hamid) ay Joey Paras (Bambi) at ng butihing habal-habal. Sa direksiyon ito, muli, ni Nick Olanka. Ipinalabas ang dula sa Tanghalang Huseng Batute nito Hulyo, 2008.
Ang mga larawan ay mula sa UP Repertory Company at sa kaibigan photographer Alberto Bainto. Ang teksto naman ay mula sa aking dula.
Muli, merci beaucoup! sa lahat ng nanood at nagbigay ng kanilang mga opinyon at kuro-kuro. Salamat sa PETA Writers Pool, sa The Writers Bloc, Inc. lalo kay Rody Vera sa lahat ng tiwala at inspirasyon, Sa Tanghalang Filipino lalo na kay Sir Dennis Marasigan, Sa UP Repertory Philippines, sa aking mga reader/commentators: Jelanie Mangondato, Sitti Nindra Hajiron, Abdul Hamid Hadji -Omar, sa mga nagturo sa kay Arnold ng Meranao: Aliah, Nash, Alimo, Khal, Abde, Maru ng Mindanao State University sa Marawi City, Imee Abdulcarim (mare, salamat sa chikahan), at kay Allah (swt) .
Mabuhay ang malayang pag-iisip!
"Diin ka makadto day?
"Nakita mo iyang kalsada na iyan? Pagdating sa itaas lubak-lubak iyan at maputik kung tag-ulan. Kaya habal-habal lang ang puwedeng dumaan. Nagtatapos ang aspaltadong kalsada rito sa amin kung saan nagsisimula ang Muslim community. Nakasakay sa habal-habal ang buong Mindanao. So, ano aangkas ka na?"
"Yes, madam, nandito pa rin ako sa baba. Wala pong...ano nga po ba ulit ang tawag dun?"
"May peace and order naman po, Madam. Medyo kampante na ako nakita ko na ang Jollibee sa Iligan kanina."
"Excuse me ano 'yung term - settlers?"
"Sorry sa pamimigay ng baboy sa community...sa pagpapa-misa sa office. Napaka-walang galang. Napaka-walang respeto. Para kaming nagpa-gay beauty pageant na may mga babaeng constestant."
"Alam mo iyong feeling na tinatawanan ka kapag nakatalikod ka at minamaliit ang trabaho mo dahil sa kung ano ka?"
"Bumukaka ka kasi para may balance!"
"Iyong isang paa sa kabila!"
"Siguro kaya mahirap ang Pilipinas dahil nawalan na ng maratabat ang mga tao."
"Imagine mo, Hamid: kung may maratabat ang lahat ng Filipino sa palagay mo may echoserong kumag na basta-basta na lang magnanakaw sa gubyerno? Papayag ka na ninanakawan ka na ng harap-harapan e deadma ka pa rin to the world? Naku, Hamid, kung may maratabat walang domestic helper, walang maruming lansangan, maayos ang mga kalsada, walang nangangamuhan dahil lahat may business. Bongga! Bonggang-bonggang maratabat na iyan!"
"Hayun o iyong nasa kabilang kanto. Iyong panget at buhaghag ang buhok at naka-pekpek shorts? Kunwari siya ang Presidente ng Pilipinas at nandito ako - ganito...ganito ako kalayo sa kanya..."
"Putang ina mong Presidente ka! Oo, ikaw babaeng naka-pekpek shorts! Walang kang maratabat! Magnanakaw!
"Kiyasukaran ka Gloring pok-pok ng Timoga! Hindi ka bonggang-bongga!"
"With all due respect, Madam, I refuse to ride the habal-habal in Lanao del Norte. Hindi talaga ako marunong sumakay diyan and I don't really trust that vehicle."
"Simula sa araw na ititch. Wiz na aketch maniniwala sa mga peace-and-order-peace-and-order na iyan. Isa lang siyang mahaderang bakla na biglang na-convince ang sarili niya na babae pala siya at biglang naniwala sa true love."
"funkyoldboy@yahoo.com. Invite mo ako sa friendster mo para friendster na tayo."
Hamid: Ano ang konting alam mo sa Lanao, Bambi?
Bambi: Na dalawa ang Lanao - del Sur at del Norte?
Hamid: Iisa lang ang Lanao, Bambi. Ang unang katotohanan na dapat na malaman mo sa Lanao e mayroon itong lake. Dun sa 'taas may isang magandang lake. Dumadaloy sa lahat ng ilog sa Lanao - del sur man o del Norte...kaya iisa lang ang Lanao. Bukas dadaanan kita sa office ninyo at ipakikita ko sa iyo ang lake. I'll show you the ride of your life.
Bambi: Hindi ako taga-rito but I'll appreciate the hospitality.
Nagkaroon din ng blogging contest ang organizers ng CCP para sa mga manonood. Heto ang ilan sa mga nasabi nila at nagwagi. Pindutin lang ang links:
"In spite of my 3.25 rating due to some technical shortcomings, among the 3 plays of this set, this is truly one of the best in this fourth season of Virgin Labfest!" -http://ronivalle.multiply.com/reviews/item/5
"The script proves that Mr. Braga has a ferocious sense of humor and a fresh sensibility for the topic he chose (social change)." -http://erosjourneys.blogspot.com/2008/06/theater-review-virgin-labfest-2008.html
"Amidst the laugh-out-loud moments (mostly coming from the characters’ sharp-tongued hits at each other), the play is serious in weeding out the issue of discrimination in modern society." - http://dappie2002.multiply.com/journal/item/66/Virgin_Labfest_4-_Keep_it_pretty_keep_it_witty_keep_it_gay._Pagbabago_Paghahanap_Pagkakataon
At ang mga sinabi naman ng mga kritiko
The Manila Times:
"...tackles hilariously unresolved problems every Pinoy is still facing with his satirical play Bayot. Racial and gender discrimination, hypocrisy, bigotry, divisiveness of faith and corruption are few of the issues discussed in the play." -http://www.manilatimes.net/national/2008/july/07/yehey/life/20080707lif2.html
The Philippine Daily Inquirer:
"Sharp, Witty" -http://showbizandstyle.inquirer.net/lifestyle/lifestyle/view_article.php?article_id=148250
Si Alvin Dacanay, kasama ko sa The Writers Bloc, Inc.:
http://thereliefroom.blogspot.com/2008/07/virgin-labfest-4-slightly-bitchy-review.html
No comments:
Post a Comment