Tuesday, November 25, 2008

Bailan at ang Musika na Malimit Nang Marinig

HONESTLY AYAW KO talaga sa cultural shows. Naaantok ako minsan sa mga sayaw-sayaw at sa panonood ng nagsasayaw sa entablado at hindi naman ako kasama sa sayawan. Nababagot ako sa panonood ng mga magagarang damit ng mga katutubo na dine-display sa harap ko ng mga hindi naman mga katutubo. Gusto ko susuotin ko ang damit, sasayawan ko ang mga sayaw, kakanta ako kasabay ng kumakanta, at suot-suot ko rin ang mga abubot. 'Interaksiyon' kasi sa akin ang panonood (lalo na ng dula!) at natanggap ko na hindi ako passive na audience.

"Hindi ako mahilig sa mga cultural shows," ito ang bungad ko noon kay Bing Veloso at pangunahan na rin siya ng babala na layuan mo ako sa mga ganyang eksena. Ilang taon ding nanatili sa kabundukan si Bing ng Norte para sa kanyang development works. Naalala ko noon na nagtutungo roon si Bing at malimit na naming makasama sa Writers Pool dahil umaalis siya ng Maynila para tuparin ang kanyang mga gawain sa Norte. Medyo nahiya pa ako sa kanya noon nang sabihin ko sa kanya na nagtatrabaho ako sa isang NGO at siya naman ay may sariling mga gawain sa mga komunidad (at wala siyang suweldong malaki noon).

Huli nang malaman ko na ito palang si Bing ay isang rocker at hindi lang basta rocker isa siya at ang mga kasama niyang rockers sa Bailan na may pagmamahal at pag-unawa sa kultura ng iba. Marami na akong nakitang ganito at napakinggan na musika at cultural shows na ganito. Ang iba sa kanila malaki pang pondo ang nahaharbat sa gubyerno, nakakapunta sa iba't ibang bansa para magpakitang-gilas sa mga mamamayan ng mayayamang bansa at sabihin "hello, ganda namin di ba?" habang ang mga mamamayan sa sarili nilang bayan at komunidad ay nakikinig kay Britney Spears. Nabo-bore din marahil sila sa mga cultural shows.

Ang isang bagay, malaking bagay, na natutunan ko sa Bailan at sa kanilang mga gawain at awitin ay ang lagyan ng puso ang mga kultural na kalinangan. Hindi ito usapin ng pera. Hindi ito usapin ng kasikatan. Hindi ito usapin ng makakakuha ka ng pera sa gubyerno at ng local government units at makapagpalabas sa iba't ibang bansa hanggang sa maging spokesperson ka na at ng iyong Sining ng mga nasa kapangyarihan. Usapin ito ng buhay, ninuno, dinamikong interaksiyon ng Sarili sa Sining at kultura ng kalinangan ng mga tao at kasaysayan na hindi pamilyar sa iyo. Itinuro sa akin ng Bailan at ng kanilang awitin ang paghahanap ng Sarili sa kultural na kalinangan ng mga tao at kasaysayan na hindi pamilyar sa akin.

Sa Bailan ko unang narining ang isyu ng mining sa mga kabundukan ng Norte, ang Kalinga, si Waway Saway at ang Talaandig sa Lantapan, Bukidnon. Kung tutuusin, ang Bailan ang nagpakilala sa akin ng mga Lumad sa Mindanao. Sabi sa akin noon ni JP Hernandez na kapag nakarating ka ng Malaybalay hanapin mo si Waway Saway. Malapit lang daw ang bahay niya nasa gilid ng kalsada. At nang subukin naming puntahan ang tahanan ni Waway Saway sa paanan pala ito ng Mt. Kitanglad, ilang oras ang layo mula sa Malaybalay. Buwisit na buwisit ako noon kay JP Hernandez. Isa pala iyong hamon sa akin na maging siya ay hindi malay. Ngunit doon ko nadalaw ang tahanan ni Waway Saway, ang kanyang musika, ang daigdig ayon sa mga mangangathang Talaandig, ang Sining nina Soliman Poonan at Balugtu (hanggang sa ngayon pangarap ko pa rin ang mag may-ari man lang kahit ng isa sa kanilang mga likha.) Wala akong madala kay JP Hernandez pagbalik ko sa Maynila kundi ang pasasalamat.

Ang Bailan ay hindi cultural show para sa akin. Isa itong Sining at ang kanilang mga awitin ay isang paghahanap ng Sarili sa daigdig ng samu't saring kultura, perspektibo, kalinangan at kasaysayan. Hindi ako nababagot.

Kaya noong Ramadan Fair ng Young Moro Professionals Network iminungkahi ko na imbitahan ang Bailan sa aktibidad. Para tumugtog at makihalubilo sa napakasayang piging ng mga Muslim at Moro. Hindi nag-atubili ang Bailan at natutuwa ako na naging makahulugan pala sa kanila ang pagtugtog sa harap ng mga Moro, ang makasali sa aming Ramadan.

Noong sinimulan kong isulat ang burador ng isa sa aking dula inuna kong tapusin ang kanta na bahagi ng dula. Sabi ko sa sarili ko na sana awitin man lang ng Bailan ang sinulat kong awit o makapasa sa kanilang standard (sinusulat mismo ng Bailan ang kanilang mga awitin.) Ibinigay ko kay Bing ang sipi ng awit at talaga namang nahirapan daw silang lapatan ito ng musika. Natutuwa naman ako sa sarili ko at naipaliwanag ko nang maayos kay Bing kung ano ang awit na ito at bakit ko ito sinulat.

Ngayong gabi
Ibabaon natin
Nang walang pagdadalamhati
Ang kamatayan ng maratabat
Sa pusod ng Lawa.

Walang luha, walang pagpalahaw,
Walang pagpapatawad, walang panghihinayang.
Napigtal na ang pisi
Na magbibigkis sa ating dalawa.

Ngayong gabi
Nakabihis ng dilaw at pula
Ang ‘sang libong mga tonong
Na nakangiti sa aking pag-iisa.
Sa kamatayan ng ‘yong maratabat
Nakatiklop ang mga kamao ni Bantugen—
Kailangan na ng paglimot.

Walang luha, walang pagpalahaw,
Walang pagpapatawad, walang panghihinayang.
Nagliliyab na torogan
Ang dambana ng kalungkutan ko
Sa kamatayan ng ‘yong maratabat.

Di ko pagtataksilan ang sarili…
Kipkip ang pangalan
Ng mga ninuno sa paglalakbay.
Nakatudla ang mga mata
Sa daan ‘tungo sa kalayaan.
Di ko pagtataksilan ang sarili…

Walang luha, walang pagpalahaw,
Walang pagpapatawad, walang panghihinayang.
Kamatayan ng ‘yong maratabat
Ang katapusan ng aking pag-ibig.

Alam ko na ang aking nais.
Nagbitak na lupa itong pag-ibig.
Isang Meranao na sasalok sa Lawa
Ng maratabat ang magliligtas
Sa akin.

‘Sang libong pag-ibig…
‘Sang libong pagkalinga…
‘Sang libong paggalang…
‘Sang libong pagtitiwala
Ni walang rusing ng pagdududa…
Isang libong magagandang mga salita
Lahat pinatay ng isang alaala…

So sanggibo a ranon
Na piyatay o satiman a tadman…

So sanggibo a ranon
Na piyatay o satiman a tadman…

Ngayong gabi
Nakabihis ng dilaw at pula
Ang aking pagdadalamhati.
Ibabaon natin sa pusod ng Lawa
Ang kamatayan ng ‘yong maratabat.

-"Tagulaylay sa Kamatayan ng Iyong Maratabat" (mula sa aking dula So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman)

Natutuwa ako dahil napanood ko ang unang pagkakataon na inawit ito ng Bailan sa isang gig nila sa Magnet sa Katipunan para i-promote ang fundraiser sa Cultural Center of the Philippines. Tumugtog din ang Bailan sa fundraiser (kasama ng Syalam).

Malugod na ibinalita sa akin ni Bing na nakagawa rin ang Bailan ng awitin, sa inspirasyon ng pagdalo nila sa Ramadan Fair.

O, tug na kaw.
O, anak, kalasahan, tug na kaw.
Hi ama dumatong na.
Nagtagumpay ating digma.
Punla ng dugo ng madaming ninuno
Ay nabawi na.
Inlugay ta nagtagad, inlugay.
Nangambang siya'y di makikitang buhay.
Subalit, mabait si Allah.
Bismillah, Bismillah.
Madami na akong pinapangarap.
Insha Allah, lahat matutupad
O, anak, kalasahan, tug na kaw.
O, anak, tug na kaw.


- "Tug na Kaw"

Nakalulungkot lang isipin na para mapakinggan ang Bailan ay kailangan mo pang dumalo sa kanilang mga gig. Minsan nahihirapan kasi akong pumunta sa mga bar dahil sa usok mula sa mga sigarilyo, sa ingay, sa mga lasing. Sasadyain mo talaga ang kanilang performance. Sana magkaroon man lang sila ng CD na madadala ng mga tao ang kanilang musika saan man. Anupaman, masaya ang daigdig dahil may mga musika pa rin at perspektibo na hindi nabibili ng pera pero mayaman sa kaluluwa.

Wednesday, November 19, 2008

Bailan to sing a part of my play at 70's Bistro














YES, YOU HEARD them during the performances of my plays last October at the Cultural Center of the Philippines (with Syalam - headed by Meranao singer Jamir Adiong) - you can catch Bailan this Saturday at 70's Bistro in Quezon City. Bailan will perform a part from my play in progress, So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman

Okay spoiler: The song, "Tagulaylay sa Kamatayan ng Iyong Maratabat" tells the longing of a non-Muslim spinster remembering the Meranao she met almost 30 years ago in Manila (she was a sex worker then in Manila's university belt after leaving her province in Lanao del Norte.) I am trying to reconstruct a simple story of how two strangers, survivors, will struggle to find love, self-respect, and maratabat in times of war and bloody conflicts spoused by a cruel regime and society and the remembrance of the Tacub Massacre. So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman is the 3rd play on my trilogy of plays on Lanao del Norte (after Sa Pagdating ng Barbaro in 2007 and Ang Bayot, ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte.) Insha Allah it will pass the deliberation for the 2009 Virgin Labfest at the Cultural Center of the Philippines in June.

Here's the email from Bailan's Bing Veloso:

dear friends.
hope you can join us in our gigs. we wish to share our music with more people, especially friends who share the vision that there still is the Philippines that we can call our homeland. and we still can come together to make our lives better, a step at a time, together. you can view our gig skeds at http://www.bailanmusika.multiply.com/ or diymusika.multiply.com.

as for diy, it's a show we've put together with Makiling and syalaM. we sing our songs, with more storytelling than our usual gigs.if you want to invite us to your links, or help us in email blasts, just get in touch with me through this email: bing2v@yahoo.com.maraming maraming salamat!

bing

BAILAN Gig Sked:Nov. 21 - Penguin Cafe @ Adriatico, Malate, Manila

Bailan and MakilingNov. 22 - 70s Bistro @ Anonas Street, Quezon City :

Bailan, Makiling and Syalam for DiY (Damayan, Interaksyon ng Yamang Pinoy)Dec. 13 - 70s Bistro @ Anonas Street, Quezon City

Bailan, Makiling and Syalam for DiY (Damayan, Interaksyon ng Yamang Pinoy)

check out Bailan's latest musical pieces:

"Tug Na Kaw" - a lullaby inspired by Bailan's joyful experience of the Ramadan Fair organized by the Young Moro Professionals Network (Tausug words translated w/ the help of PINK's chair, Jasmin Teodoro)

"Tagulaylay sa Kamatayan ng Iyong Maratabat" - lyrics by Rogelio Braga for his forthcoming play, "So Sanggibo A Ranon Na Piyatay O Satiman A Tadman", music by Bailan... the play is a love story set in the 70's. check out www.rogeliobraga.blogspot.com for the storyline of the play.

PHILSTAGE Citations - Madakel a Salamat!

SIGE AAMININ KO na ulit - masaya talaga ako nang malaman ko nitong Lunes na nagbigay ng pagkilala ang mga kritiko, theatre practitioners, nasa akademya, at mga kapwa manunulat na bumubuo ng PHILSTAGE sa dula kong "Ang Bayot, ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte". Isa itong malaking parangal pasa akin (sa "amin", lalo na sa mga taong tumulong sa produksiyon) dahil ito ay pagkilala ng mga taong kasama mo at katrabaho mo sa daigdig ng teatro at pagsusulat.

Maraming citations na natanggap ang dula at ang aming produksiyon.

Outstanding Play. Salamat at Conrgratulations Nick Olanka at UP Repertory Company

Outstanding Emsemble Performance

Outstanding Male Lead Performance. Silang dalawa muli ang nominado - Arnold Reyes at Joey Paras (siya pala ang nagwaging Best Actor sa 2008 Aliw Awards sa pagganap bilang "Bambi" sa aking dula, ginanap ang seremonya sa Manila Hotel nitong buwan.) Salamat sa mga Meranao young leaders from MSU Marawi City sa pagtulong sa aming artista.

Outstanding Original Script. Salamat sa aking literary comrade at Meranao Moro na si Jelanie Mangondato ng MSU Marawi city, kay Ameera Mastura Bongcarawan sa pagbabasa, kay Sitti Nindra Hajiron na aking kapatid (salamat sa encouragement at pakikinig), Khal Mambuay, sa aking mga readers at commentators sa dula, kay Abdul Hamid Hadji-Omar (patawad sa aking mga pagkukulang at salamat sa lahat-lahat mula sa ikalawang buhay, sa pag-aayos ng sarili, sa pagmumulat, hanggang sa pagpapatawad), sa UP Repertory Company (usap na tayo), Rody Vera (sa pagtitiwala at sa inspirasyon) at sa mga kasamang mandudula ng the Writers Bloc, Inc., kay Tim Dacanay at Sir Manny Pambid at mga kasamang mandudula sa PETA Writers Pool na patuloy na natitiwala sa kapangyarihan ng teatro sa ating bansa.

Maraming salamat sa lahat ng nanood at sumuporta sa aming produksiyon. At sa huli, ang lahat ng biyaya at pasasalamat ay marapat na bumalik lamang kay Allah (swt). Alhamdullilah!

Ang hinihiling ko lang sana, sana, sana, sana - sana wala nang diskriminasyon ng mga Moro at Muslim sa ating lipunan. Sana iwaksi na natin ang istruktural na diskriminasyon ng mga Muslim at Moro sa ating lipunan. At sana, sana, sana, sana...sana...sana...sana...Bangsa Moro at Filipino =)


_______________

Narito ang buong detalye ng citations. Nawa'y palarin na magwagi sa darating na Pebrero ang mga nominado - gibbscadiz blog.

Saturday, November 8, 2008

After 37 years Tacub Incident, Lanao del Norte

SINISIMULAN KO NANG ayusin ang unang burador ng dula kong So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman (inawit na nga ng Bailan ang kanta mula sa dula noong produksiyon sa CCP ilang linggo na ang nakararaan) para sa 2009 Virgin Labfest. Binalikan kong muli ang mga notes ko at researches para sa dula. Itinigil ko ang pagbabasa ng aking mga nakalap na riserts ilang buwan na ang nakararaan dahil hindi ako nakakatulog sa gabi sa mga imahen na nananatili sa isip ko.

Pero kailangan nang simulan ang trabaho para sa nabinbing proyekto.

At binalikan kong muli ang mga nakalap kong detalye tungkol sa Tacub Incident. Horror na naman ito. Pero kailangan nang gawin at kailangan nang balikan.

Sa darating na 22 ng Nobyembre, 37 taon na ang nakalilipas nang maganap ang nasabing massacre. Karumal-dumal. Sino ang humingi ng tawad? Sino ang nagbilang ng mga bangkay na nakasalampak ang mukha sa lupa? Ang pinakamasakit sa lahat, hindi ito itinuro sa akin, hindi ko ito nabasa sa aking mga aklat sa eskuwelahan. Kaya lagi kong sinasagot sa aking mga kaibigan na palagi akong tinatanong kung paano ko nga ba nasusulat ang iba kong mga dula at saan ba nahuhugot ang mga ganoong detalye at kuwento, ang palagi kong sagot: "Matuto tayong makinig sa mga Moro kapag sila ang nagsasalita." Dahil maraming inilihim sa atin ang bayang ito. Marami. At patuloy na itinatago ang mga katotohanang ito sa ating mga Filipino lalo na sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Ikaw, na nagawi sa aking blog. Ikaw, na nagbabasa. Ikaw, na alagad ng Sining. Lalo na kung ikaw na Filipino at tulad kong lumaki sa Maynila - sa darating na 22 ng Nobyembre, ilang araw mula ngayon - mag-alay tayo ng isang katahimikan para magdasal sa mga naging biktima at sa kanilang pamilya ng karumal-dumal na pangyayaring ito sa Lanao del Norte o kaya manahimik nang sandali at lakbayin ang pinakamalalim na bahagi ng ating loob upang ukilkilin ang ating kosensiya: Bakit ito nangyayari sa ating lipunan? Bakit natin hinahayaang mangyari ito sa mga Moro, sa ating mga sarili bilang Filipino? Bakit natin hinahayaang dungisan ng dugo ang pagmamahal nating mga Filipino sa kalayaan at pakikipag-kapwa tao?

Hindi malayo ang Lanao. Malapit ang Mindanao sa ating mga puso. Hindi naman siguro nangungusap ng ibang wika ang mga Moro at napaka-hirap sa ating maarok ang lalim ng mga impit na mga panaghoy.

Sa darating na 22 ng Nobyembre, sa pagitan ng ating mga huntahan, biruan, sa ating hapag, sa opisina - pag-usapan natin ang Tacub. Walang takot, walang paumanhin, walang pagpipigil, malayang-malaya. Walang boses na patatahimikin. Maraming itinagong lihim sa atin ang bayang ito.

At dito nagsisimula marahil ang malayang pag-iisip.

Basahin ng Tacub Incident mula isang blog.

Saturday, October 18, 2008

Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte

HAMID: Nagtatapos ang aspaltadong kalsada rito sa amin kung saan nagsisimula ang Muslim community. Nakasakay sa habal-habal ang buong Mindanao so no choice ka. O, ano aangkas ka na?












BAMBI: Medyo kampante na po ako kasi nakita ko rin po ang Jollibee sa Iligan kanina.














BAMBI: Siguro kaya mahirap ang Pilipinas dahil wala nang maratabat ang mga tao.
















BAMBI: (sa babae sa malayo) Psst! Gloring! Oo ikaw! (Galit. Hysterical) Putang ina among presidente ka! Oo ikaw! Wala kang maratabat! Magnanakaw! Magnanakaw!









*********

IPALALABAS MULI ANG "Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte" sa darating na ika-29 hanggang 30 ng Oktubre sa Tanghalang Huseng Batute, Cultural Center of the Philippines. Ito ay sa pagtutulungan ng UP Repertory Company, Cultural Center of the Philippines at sa pagsuporta ng Young Moro Professional Network (YMPN) at ng the Asia Foundation.

Katambal ng nito ang dulang "Ang Mga Mananahi". Ang Produksiyon ay naglalayong makalikom ng donasyon para sa mga internally displaced persons (IDPs) sa Pikit, North Cotabato.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa dula, sa tickets, bookings at special arrangements at sa Pikit Relief Mission, kontakin ang mga sumusunod:

Manila – Rogelio Braga
0918-7797982/ 0926-8122336
ogiebraga@yahoo.com/ www.rogeliobraga.blogspot.com

Mindanao – Sarah B. Matalam
0918-5582188
OFFICE: 225 V. Mapa street, Davao City (look for Jane or Joyce) 228-6959/2242702
http://nanaynirashi d.blogspot. com/ sar_matalam@yahoo.com

The Peacemaker’s Circle Foundation, Inc. (A Cooperation Circle of the United Religious Initiative) Rm. 105 PhilDHHRA Partnership Center 59 C. Salvador St., Varsity Hills 1108 Loyola Heights, Quezon City Tel. No. 920-7622/ Fax: 920-4618

Balay Rehabilitation Center, Inc. 25 Maalindog Street, UP Village, Diliman Quezon City 1101 Philippines Tel No. 4263825/ Fax: 9216301 and look for Sister Arnold Noel.

UP Repertory Company in Vinzon’s Hall, UP Diliman, you may contact +63 915 5881782/ + 63916 6125404/ +63 918 779 7982/ + 63 926 812 2336,

the Young Moro Professional Network at G108 Jocfer Bldg., Commonwealth Avenue QC c/o Aradelia Belleng at +63 920 652 9066;

UP Office of the Student Regent, Vinzon’s Hall Basement UP Diliman c/o Shan

UP Muslim Student Association, Vinson’s Hall, UP Diliman c/o Tani Basman

and the CCP Box Office at +63 2832 1125 local 1409.

Friday, October 17, 2008

Ang Mga Mananahi



HAMIDA: Ngunit dumating ang isang pag-ibig. Si Akbar. (Tatawa) Matanda na ako para sa mga ganyan. Lumipas na ang aming pahanon. Iba na ngayon. Ang lahat ng bagay na dumaraan sa iyong harapan ay may tiyak na patutunguhan. Minsan, tulad ng pag-ibig, kapag lumisan, hindi na ito bumabalik. Kaya kapag dumaraan ang pagkakataon sakmalin mo na. Kung hindi mo ito mahawakan gumawa ka ng maraming paraan gaano man kahirap ang mga paraan na ito. Dahil kung hahayaan mo itong mawala...maglalaho ito habang-buhay.



Makalipas ang dalawampung taon nagkita kaming muli ni Akbar. Noong isang araw. Sa tabu’ (pamilihan) riyan sa baba. Naghahanap kasi ako ng mga bagong tela. Aba ang Akbar ganoon pa rin, mestisong Jolohano pa rin. ‘Salamu alaykum kamusta ka, Akbar, bakit may sukbit kang baril?’ Ang bati ko sa kanya. Napangiti lang ang loko. Alam ko naman na rebelde na rin si Akbar. ‘Matanda na tayo, Akbar, dapat ilaan na natin ang nalalabing oras ng ating buhay sa pagbabasa ng Qur’an, at sa pagsasambahayang limang beses sa isang araw.’ Napatigil si Akbar at humarap sa akin.



AKBAR: ‘Ikaw, Hamida, saan mo ginugol ang mga gawain ng iyong mga kamay?’



HAMIDA: Aba’t indupang hinamak pa ang aking trabaho.



AKBAR: Tinatawag tayo ng panahon dahil may kailangang gawin.



Katahimikan.



HAMIDA: At tulad ng ginawa niya sa akin noon dalawampung taon na ang nakalilipas tinalikuran muli ako ni Akbar at lumisan.



*****



Naisulat ko ang dulang ito matapos dumalo sa ika-40 na anibersaryo ng Jabidah Massacre sa Corregidor Island noong Marso. Ang aktibidad ay isang caravan na pinamunuan ng Mindanao People's Caucus (MPC). Sa nasabing caravan (mula pa sa Mindanao ang mga participant) nilayon ng lahat ng mga dumalo na sariwain ang karumal-dumal na krimen na naganap sa ating kasaysayan.



Pagdating sa Corregidor isa-isang nagsalita ang mga panauhin mula sa iba't ibang 'panig' ng Mindanao. At tulad ng ibang mga nagsipagdalo sinariwa ko rin ang Jabidah Massacre, nakipaghuntahan sa nalalabing survivor, at binalikan ang iba't ibang lugar sa Corrigidor na talaga namang sasariwa sa alaala. Nakasulat pa sa pader ng mga ruins ng Corregidor ang mga graffiti ng mga sundalong nagsasanay para sa Misyon apatnapung taon na ang nakalilipas (sa kung anong dahilan na nananatili pa rin doon ang kanilang mga sulat-kamat gayong limot na ang mga tao ang naganap na krimen) - mga pangalan - mga lugar - at ang kamatayan.



Napakalayo ng Corregidor at napalilibutan ito ng dagat.



At habang binabaybay ng aking mga palad ang haligi ng mga guho na siyang pinaglakagan ng mga Moro pinilit kong damhin ang sakit ng paggasgas ng katotohanan sa aking mga palad - ilang Moro na ang pinatay at patatayin pa ng Nasyunalismong Filipino? Sino ang umamin sa karumal-dumal na krimen? Sino ang humingi ng tawad?



At sa di kalayuan, malayo sa piging kung saan nagsasalita ang mga piling bisita mula sa iba't ibang 'panig' ng Mindanao may bumulong sa akin, mahina parang dasal na sinasambit mo lamang sa iyong sarili: "Walang kapayapaan kasi walang kalayaan."



Maraming itinagong lihim sa akin ang bayang ito.



____________________________

Ipalalabas muli 'Ang Mga Mananahi' sa Oktubre 29-30, 2008 sa Tanghalang Huseng Batute sa Cultural Center of the Philippines sa direksiyon ni Paul Santiago kasama ang UP Repertory Company.

Don't Just Donate - Engage!

“While it is so hard to imagine that humor and armed conflict could occupy the same basket, it is my experience that humor can heal wounds and bridge divisions. Kurt Vonnegut once said that, “Humor is an almost physiological response to fear.” I have heard countless stories – humorous once – that have helped people cope with the harsh realities of war and displacement.” - Gutierrez (Teng) Mangansakan II, Writer/Filmmaker/Peace advocate

“Hilarious and never preachy, Ang Bayot deserves a run that should be as long as, or longer than, its title.” – Philippine Daily Inquirer

“…tackles hilariously unresolved problems every Pinoy is still facing with his satirical play Bayot. Racial and gender discrimination, hypocrisy, bigotry, divisiveness of faith and corruption are few of the issues discussed in the play. To add on to its mirthful observations, the play sarcastically used vulgar street language, tawdry words and kitschy taste. Two outstanding actors, Joey Paras and Arnold Reyes, effectively utilized these devices…” – The Manila Times

The UP Repertory Company, The Cultural Center of the Philippines in cooperation with the Young Moro Professional Network and the The Asia Foundation present a twin-bill production: “Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte” and “Ang Mga Mananahi” for the benefit of the internally displaced persons in Pikit, North Cotabato.


Playdates:

October 29 (Wednesday) 8:00 PM
October 30 (Thursday) 4:00 PM and 8:00 PM
Tanghalang Huseng Batute
CCP

Ang Mga Mananahi (Directed by Paul Santiago)

Set in an ‘unnamed’ place somewhere in the South on the heyday of the government’s war against the Bangsa Moro freedom fighters. A story of how four Muslim women perform the act of bravery on their bare hands and compassionate souls. “Walang kapayapaan kasi walang kalayaan…” Ang Mga Mananahi is a celebration on the triumphs of human spirit against the adversity of a cruel and ruthless power and homage to those beautiful thoughts that keep ordinary people together to stand for freedom and lasting peace.

Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte (Directed by Nick Olanka)

Is the unusual rendezvous of two beautiful and sharp-tongued creatures living on the fringes of society. As they joust and engage each other, they courageously travel the rough and ‘older than history’ roads of discrimination, hypocrisy, bigotry, social divides, corruption and unspoken violence to arrive at a decent friendship.

Guests Artists on October 29 and October 30, 8PM shows:

Bailan will perform songs “O, Hele Na…” and “Tagulaylay sa Kamatayan ng Iyong Maratabat” (from the play “So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman”)

Syalam will perform “Ranaw”

“Students’ Run” will be October 30, 4PM show – a “Talkback Session: Drama and Reality” to be facilitated by playwrights from the Writers Bloc, Inc., guests Moro speakers (will share insights and perspectives) and peace advocates, and members of the audience.

During the show the organizer will welcome donations: (food items) rice, salt, sugar, dried fish, mongo, noodles; (non-food items) clothing, pots, plates, and utensils, sleeping, mats, blankets, water containers/jugs, mosquito nets, detergent/soap, medical supplies, medicines.

Tickets at Php 250.00 may be purchased at the UP Repertory Company in Vinzon’s Hall, UP Diliman, you may contact +63 915 5881782/ + 63916 6125404/ +63 918 779 7982/ + 63 926 812 2336, the Young Moro Professional Network at G108 Jocfer Bldg., Commonwealth Avenue QC c/o Aradelia Belleng at +63 920 652 9066; UP Office of the Student Regent, Vinzon’s Hall Basement UP Diliman c/o Shan; UP Muslim Student Association, Vinson’s Hall, UP Diliman c/o Tani Basman; and the CCP Box Office at +63 2832 1125 local 1409.

Tickets are also available on the following organizations:

The Peacemaker’s Circle Foundation, Inc. (A Cooperation Circle of the United Religious Initiative) Rm. 105 PhilDHHRA Partnership Center 59 C. Salvador St., Varsity Hills 1108 Loyola Heights, Quezon City Tel. No. 920-7622/ Fax: 920-4618

Balay Rehabilitation Center, Inc. 25 Maalindog Street, UP Village, Diliman Quezon City 1101 Philippines Tel No. 4263825/ Fax: 9216301 and look for Sister Arnold Noel.

Schools and other organizations are welcome for special arrangements, bookings, donations and other queries on the production and on the relief operations you may reach YMPN members:

Manila – Rogelio Braga
0918-7797982/ 0926-8122336
ogiebraga@yahoo.com/ www.rogeliobraga.blogspot.com

Mindanao – Sarah B. Matalam
0918-5582188
OFFICE: 225 V. Mapa street, Davao City (look for Jane or Joyce) 228-6959/2242702
http://nanaynirashi d.blogspot. com/ sar_matalam@yahoo.com

The Pikit Relief Mission will focus on delivery of assistance to evacuees who have not been able to avail of adequate help from government, international, or non-government relief agencies because they are situated in remote areas, or because of discrimination against them in the relief distribution process.

Today, more than 500,000 individuals are considered internally displaced persons (IDPs). The war in Mindanao has, indeed, taken a huge toll in terms of human lives, health, and property. Victims of human rights violations and international humanitarian law press on with calls for justice.

The Pikit Relief Mission will focus on the internal areas of Pikit, North Cotabato. Specifically the barangays of Punol, Macasendeg, Paidu Pulangi, Manaulanan, Kolambug, Silik. A few kilometers from the National Highway, these barangays hardly receive any assistance due to the distance from the other evacuation centers.

The UP Rep and CCP Production on the other hand aims to engage Filipinos specially the younger generations on the discourses on Mindanao conflict in the form the is familiar to them, theatre arts.

Please support this worthwhile endeavor!!! Stop theWar in Mindanao!!!

Thursday, October 16, 2008

Our Asia that That Travels write up on Pikit Mission Performance

Our Asia that Travels released a write up on the upcoming performances at the Cultural Center of the Philippines for the IDPs in North Cotabato. Just click it!

Friday, October 10, 2008

Theatre for a Cause: October 29-30, 2008 (CCP)

SA DARATING NA Oktubre 29-30, 2008 magkakaroon ng re-run ang aking mga dula, "Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte" at "Ang Mga Mananahi" sa Tanghalang Huseng Batute sa Cultural Center of the Philippines. May 4pm (dapat 3pm but to give way to our 3pm prayer) at 8pm shows.

Sina Prof. Elmer Rufo ng UP Los BaƱos at Nick Olanka ang mga direktor ng nasabing plays.

Muli, ang UP Repertory Company (Diliman) ang magpapalabas ng dula. Tandaan: bukod sa ito ay isang entertainment ang pagbili niyo ng ticket ay donasyon na rin para sa mga IDPs (internally displaced people) sa mga liblib na pook sa Pikit, North Cotabato. Ang lahat kasi ng benta ng ticket may mapupunta sa isang relief mission sa mga kababayan natin sa lugar na napapaalis sa kanilang mga tahanan at naiipit sa giyera. Ito na rin ang magandang panahon upang makilahok ang lahat sa usaping ito ng Mindanao - hindi ba't reponsibilidad nating mga Filipino na makialam, malay, sa mga pinaggagawa ng ating pamahalaan sa Mindanao.

Ang produksiyon at bukas rin sa anumang donasyon (in kind) para sa mga targeted
baranggays sa Pikit:

Food Items
Rice
Salt, Sugar
Dried fish
Mongo
Noodles

Non-Food Items
Clothing
Pots, plates, and utensils
Sleeping mats
Blankets
Water containers/jugs
Mosquito nets
Detergent/soap
Medical supplies
Medicines

Maaring bumili ng tickets at magpadala ng donasyon sa mga sumusunod:

UP Repertory Company - 0915-5881782 (Z); 09166125404 (Gelene); Ogie (09187797982; 0926-8122336).

Young Moro Professional Network (YMPN) - g108 Jocfer Bldg. Commonwealth Avenue QC. c/o Aradelria Belleng 0920-6529066

UP Office of the Student Regent, Vinzon's Hall Basement, UP Diliman c/o Shan

UP Muslim Student Association, Vinzon's Hall, UP Diliman c/o Tani Basman

CCP Box Office

Ang ticket ay nagkakahalaga lamang ng Php 250. 00 (dalawang baso ng kape sa Starbucks lamang!). Kung may gustong magpareserba o may mga estudiyante (please ayaw ko ng maiingay na estudiyante sa tanghalan, lagi kong kinakausap ang guro na nagdala sa kanila roon) o magbigay ng donasyon para sa produksiyon kontakin lamang ako 0918-7797982 (ogiebraga@yahoo.com) o ang UP Rep representatives:
0915-5881782 (Z); 09166125404 (Gelene).

Kita-Kits!

Saturday, September 27, 2008

“Enlarging the Space: A One Day Affair on Multiculturalism, Religious Diversities and Nation-Building”

































LAHAT AY INIIMBITAHAN sa piging na ito ng Young Moro Professional Network (YMPN) sa darating na ika-2 ong Oktubre. Ito ay bilang bahagi ng 3rd International Ramadan Fair ng grupo. Kahit na sino ay imbitadong dumalo at makipagpalitan ng kuro-kuro o kaya naman simpleng makakuha lang bagong kaalaman sa mga isyu at bagay-bagay na may kinalaman sa Islam, Interfaith Dialogue at peace and order situation sa Mindanao.



May mga ispiker na naimbintahan para magbigay ng kanilang kuro-kuro sa mga nasabing usapin. Moro, NGO worker, academe, at mga taong babad sa mga nasabing usapin. Isang araw lang ito kaya huwag nang palalampasin. Dadalo rin ng grupong Bailan para isang tugtugan.



Heto ang mga usaping tatalakayin sa buong maghapon tingnan kung interesado kayo.



Challenges to Multiculturalism in The Philippines

Religion and the Popular Culture: Media and the Myth-Making

Islam and Diversity

Religious Diversity, Interfaith Dialogues and Nation Building: Convergences and Divergences in Islam and Christianity

Historical Background of the Roots of Perceived Conflict

Real in the Field: The Realities of Conflicts in Specific Places in Mindanao.



Kung nais na dumalo anupa't kontakin lang ako : Rogelio Braga 0918-7797982 or email ogiebraga@yahoo.com or bisitahin ang website ng YMPN.



Interfaith Youth Forum on Multiculturalism in the Philippine Setting

(An Inter-Faith Youth Forum)

3rd International Ramadhan Fair

Date: October 2, 2008

Venue: Clamshell 2, Intramuros, Manila, Philippines





Friday, September 26, 2008

"Bayot" and "Meranao" Actors on 2008 Aliw Awards Best Actor Category














OKAY I HAVE to admit it - I was elated when playwright Glen (Sevilla Mas) called me last night just to tell me that actors from my play Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte were nominated on the Best Actor Category for the twenty-something year old award giving body 2008 Aliw Awards.

Joey Paras and Arnold Reyes were nominated for this year's Aliw Awards for Best Actor Category (non-musical).

In jest I bought an ice cream at 3:00 am for my colleagues at the department to celebrate the good news. Yipeee! You know why? Because it has been years (I think almost 8 years) since a body of people recognized my work (or things that have something to do with my work.) The last 'award' that was given to me was in 2000 by my University (of Santo Tomas) through Dr. Ophelia Alcantara-Dimalanta.

The nominations are really for the two brilliant actors who made Hamid and Bambi alive on stage. Usually it's the actors themselves who send thanks to people on their podium but at this point I would like to send that thank bunch to pagaris from the Mindanao State University - Marawi City visiting Manila for their help (as in super help) to Arnold Reyes - on the accent, nuances so as the mannerisms that even I myself overlooked whenever I meet Meranao Moros here and in Mindanao. Madakel a salamat to Khal Mambuay, Adbe Campong, Abdul Yasser Lomangcolob, Maru Macarambon, Aliah Macapanton and to Alimoding Muslim. And thank you for reading the play and to those comments to improve the piece.

Cheers to the UP Repertory Company, Nick Olanka, to my readers PETA Writers Pool peeps, Writers Bloc, Inc. pen pushers, to my Moro literary comrade Jelanie Mangondato, Amera Bongcarawan and to Abdul Hamid Haji-Omar,.

Again, congrats for the nominations Joey
Paras and Arnold Reyes! Alhamdulillah!