Ang mga gaganap sa mga tauhan ng Ang Mga Mananahi sa Koronadal, South Cotabato ngayong Pebrero. Ito ang unang gagamitin ang dula ng mga artista mula sa Mindanao/Larawan mula sa AST |
Thursday, January 30, 2014
Ang Mga Mananahi sa Koronodal Ngayong Pebrero
IPALALABAS ANG AKING dula na Ang Mga Mananahi ngayong ika 1 hanggang 2 ng Pebrero sa Koronadal, South Cotabato. Ang Apat sa Taglamig (AST) ang magpapalabas ng dula sa direksiyon ni Jim Raborar.
Naisulat ko ang dula na ito matapos ang inspirasyon nang dumalo ako sa anibersaryo ng Jabidah Massacre noong 2008. Una itong naipinalabas sa madla sa Virgin Labfest 2008 bilang entry sa staged reading category sa direksiyon ni Angeli Bayani at ng UP Repertory Company. Ang unang pagtatanghal nito bilang produksiyon ay noong 2008 sa direksyon Paul Santiago kasama ang UP Repertory Company.
Tuesday, January 28, 2014
Gratitude
Nakalulungkot isipin na sanay ang tao na ito sa ganoong gawain - at mas lalong nakalulungkot isipin na matagal kong ininda ang ugali ng tao na ito upang matapos lang ang ipinangako sa kanya. Ito ang una na nagkaroon ako ng ganitong karanasan. Public shaming at ibubulgar daw ako sa mga kasama niya at sa madla kung hindi ko siya titigilan. Homophobia, bigotry. Nangyari bigla ang pagsasakatuparan ng modus nang makukuha na niya ang lahat ng gusto niya sa akin. Hulyo iyon, 2013.
Ito rin ang unang karanasan ko na magkaroon ng kritisismo bilang manunulat mula sa isang Muslim. Kritisismo na walang kinalaman sa aking pagsusulat kundi sa personal kong pagkatao dahil nagkaraoon siya ng akses sa akin. Ayon sa kanya hindi raw ako Muslim (at siya raw ang totoo) at dubious ang mga intensiyon ng aking mga sinusulat at perspektibo. At muli, ang blackmail: ibubulgar niya raw ako sa madla at ang saliwa kong mga gawain na nagtatago sa likod ng aking mga sinusulat. Homophobia, bigotry.
Sanay na talaga ang tao na ito sa kahihiyan bilang mabisang salapi sa isang uri ng transaksiyon (o laro) na improkrisiya ang batas. Taong-lansangan. Ugaling lansangan. Nakakatakot ang taong ito lalo na kung magkaroon siya ng mga taong maniniwala sa kanya at sa kanyang mga transaksiyon. Ngunit isa lang ang natutunan ko: na ang tao palang maraming inililihim na baho sa buhay nila, sa takot nila na maibulgar ito sa madla, sa iba nila ipinapasa at ito rin ang ginagamit nilang putik upang ipangsaboy sa iba. Ang kasinungalingan pagtatakpan pa ng isang kasinungalingan. Lahat tayo, maging ako, ay guilty sa ganito. Pero ibang usapin kung ito na ang naging pagkatao mo, ito na ang naging batayan mo kung paano mo susukatin ang sarili mo at ang relasyon mo sa iba. Ito na ng istatus mo sa buhay.
Nagpapasalamat ako na naging totoo (kahit na papaano) ang pakikitungo ko sa mga taong nakasasalamuha ko araw-araw. Ni minsan hindi ako nanghusga sa kapwa ko Muslim at tapunan sila na 'hindi ka Islam' o gamitin ang relihiyon, ang sekswalidad, ang mga personal na pagkukulang at kamalian upang isakdal ang tao sa madla. At may respeto ako sa bukas-loob na pagbabahagi sa akin ng ibang tao ng kanilang buhay, ng kanilang saloobin at personal na suliranin at hindi ko ginagamit ang mga ito upang mang-blackmail sa bandang huli. Lalo na kung nakuha mo ang detalye na ito sa personal na interaksiyon, sa pagtitiwala. Hindi ganyan ang buhay at hindi ganyan ang pakikipag-relasyon sa kapwa, sa Muslim man o kung anong relihiyon ang kinabibilangan.
At nagpapasalamat ako na mas kilala ko ang aking Sarili, ang aking pagsusulat, at mga prinsipyo na mga pinanghahawakan ko sa aking buhay higit pa sa inaasahan sa akin ng mga tao. Ang totoo: wala akong inaasahan sa ibang tao dahil hindi ako nabubuhay sa kung ano ang tingin at iniisip sa akin ng ibang tao. Malaya ako at indibidwal. Indibidwal ako at may awtonomiya. Masakit lang sa akin dahil pagtitiwala ang ginamit ng tao na ito upang mapasok ang aking loob, at maging malapit sa akin bilang kaibigan kunwari. Kapatid, kakampi. Masakit dahil minsang kumatok, pinagbuksan mo, pinapasok. Masakit dahil may panghahamak. Hindi lahat ng bisita ay may magandang pakay sa mga pagdalaw. Nakalulungkot isipin na huhubarin ng isang tao ang totoo niyang kulay sa iyong harapan, tao na itinuring mong kaibigan, malapit na kaibigan, sa ganitong pamamaraan. Lahat tayo nasasaktan, lahat nagdaramdam sa pandarambong.
At ibinigay ko sa kanya ang isang bagay na ibinabahagi ko lamang sa aking mga malalapit na kaibigan, minsan sa aking Sarili lamang--ang aking pagsusulat. Dahil ito lamang ang mayroon ako, ito lamang ang simula at hangganan ng aking pagkatao. Masakit dahil may panghahamak.
At ibinigay ko sa kanya ang isang bagay na ibinabahagi ko lamang sa aking mga malalapit na kaibigan, minsan sa aking Sarili lamang--ang aking pagsusulat. Dahil ito lamang ang mayroon ako, ito lamang ang simula at hangganan ng aking pagkatao. Masakit dahil may panghahamak.
Ungrateful.
Ito ang salita. Callous and cruel -- at heto pa. At matapos ang mga paghusga sa aking pagkatao nakapanghihilakbot malaman na patuloy pa rin pala niyang pinakikinabangan ang lahat ng naitulong ko sa kanya. Hanggang ngayon, walang pakundangan, walang pagtatalong-isip. Nakikinabang sa aking mga naisulat sa harap ng ibang tao habang himahamak ako ng palihim kung nakatalikod na sa madla. At habang pinakikibangan niya patuloy niyang pinatutunayan ang mga paratang niya sa akin. Malupit dahil walang pag-aalinlangan.
Ang totoo: ang lungkot. Ang lungkot dahil kailangan mong tingnan ang katotohanan ng isang tao na minsan mong iginalang, hinangaan at pinakibagayan. Ang lungkot dahil ang lahat ng pinagsamahan ay sinukat, tinimbang, at nilagyan ng halaga sa pangangailangan, sa mga pangarap na kailangan mong manggamit ng kapwa upang makamtan. Malungkot dahil kailangan mong magputol ng relasyon, ng pagkakaibigan.
Malungkot dahil kailangan mong bawiin ang lahat ng iyong ibinigay, inihandog sa ikapapanatag ng iyong loob sa pagbubuo muli ng sarili, ng mga pananampalataya sa tao, sa kapwa. Nais kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataon na maniwala pa na may ningning sa pagbibigay sa kapwa, na may ningning ang pakikipagkapwa-tao sa relasyon, na may hihigit pa sa transaksiyon. Na kailangan kong bawiin ang lahat dahil may ligaya sa pagsasabi ng 'Maraming salamat', ng 'Magsukol, ng 'Daghang Salamat,' ng 'Madakel a salamat' sa biyaya na bigay na handog ng kapwa, na hindi ng pagkakataon at kapalaran lamang.
Darating ang araw at mauupo ako sa harap ng aking pagsusulat at tatanawin ko ang lahat ng ito na walang galit, walang paninisi (sa sarili at iba), walang panghihinayang at maitatakda ko ang aral na makukuha at nakuha sa pakikipagkapwa-tao. Na ang lahat, siguro, marahil, ng ito ay may dahilan. Sa ngayon, nais kong manatiling tao sa harap ng unos na ito. Nais kong panghawakan ang aking mga pinaniniwalaang mga birtud sa Sarili, sa pakikipagkapwa, sa relasyon, at sa pakikipagkaibigan nang sa bandang huli, pagkatapos ng lahat , ng pasakit at sakit, makikilala ko pa rin ang aking Sarili.
Sunday, January 19, 2014
Sunday with the Ladies of Pinay.com
I SPENT SUNDAY afternoon at the Fort Santiago in Intramuros to join these women in their photo op for Pinay.com. Pinay correspondent (photographer and poet) Bopeep Espiritu lead the activity yesterday.We managed to take pictures inside the famous Fort Santiago where Rizal was incarcerated before he was executed in Bagumbayan. After Fort Santiago we went straight to the Cultural Center of the Philippines in Roxas Boulevard to catch a glimpse of the famous Manila Bay sunset.
Pinay.com is looking at finding new images for its website and campaigns. A space for Pinays and 'Pinays-at-heart', this website captures the new images of Pinays in the Philippines and in diaspora.
What is so exciting in Pinay.com recently is its new direction. Since this a 'space for Pinay' the website now takes the challenge of having hijabi Pinays as among its images of women in the Philippines. Pinay.com's Facebook covers (the site has several and you may visit Pinay.com's FB page to check several glamorous FB covers carrying Pinay.com's advocacy of 'shine mentality') will soon have veiled women from Southern Philippines.
What is so exciting in Pinay.com recently is its new direction. Since this a 'space for Pinay' the website now takes the challenge of having hijabi Pinays as among its images of women in the Philippines. Pinay.com's Facebook covers (the site has several and you may visit Pinay.com's FB page to check several glamorous FB covers carrying Pinay.com's advocacy of 'shine mentality') will soon have veiled women from Southern Philippines.
Two (real) Meranao Muslim sisters actually joined the fun yesterday. I am sharing some of the images my camera captured during the event.
'Father and Son' together. I took this image at the harbor near the Cultural Center of the Philippines while the team was busy with the photo op. |
Bopeep leading the model for a pose. I met Bopeep as Virginia Perpetua Espiritu in UST; she was a poet and member of the Thomasian Writers Guild. |
Bopeep with the hijabi sisters |
Bopeep at work |
Jovy taking a break while waiting for her queue. |
Filipino and Meranao Bangsamoro women on break. |
Planning for the next pose? Women bonding together for the project. |
Okay they have to pose for me, too. |
The famous Manila Bay sunset. An image I took while waiting for the ladies to finish their work. |
Yasmira. She is a graduate student at the University of the Philippines in Diliman taking up Political Science. She writes for Pinay.com and co-moderates Moroism.org, a website for postcolonial and colonial critical discourses on Moro history, culture, politics, and expressions. |
Location:
Intramuros, Manila, Philippines
Tuesday, January 14, 2014
Moroism.org
I CREATED AN community online to serve as a 'space' for Filipino and Moro intellectuals, artists, readers and students to discuss and reach out to each other for discourses, pedantry and exchanges on issues and themes of postcoloniality (and coloniality) and the dynamic relationships of Moro-Filipino consciousness, expressions, narratives, and subject-positions and the spaces created by these relationships.
This endeavor is borne out of seemingly inadequate spaces provided by Facebook and other social media sites for discussions. One limitation of a Facebook 'comment' and 'status' is we tend to express our thoughts in haste - and usually this does not lead us to a careful evaluation of our ideas and perspectives before sharing it to the world.
Moroism.org is managed by me and my few Moro colleagues and friends in the university and on the ground who are into Moro and Philippine studies. Ideas to be presented to the public will pass through the interventions of editor/s and core members of the group before publication. And the public - Moros and Filipinos alike - can join the discussions on various areas such as but not limited to literature, politics, history, popular culture, Islamic studies by creating an account in the site.
Kabayaan Ka will remain to be my personal blog (and my personal Facebook account will soon be 'inactive' as I will transfer some of the contents here and in Moroism.org including entries from collaborative effort, a project-in-progress, with photographer-friend Alberto Bainto for Sa Kabila ng Lahat). Of course, I still would like to keep in touch with you who's with me for almost five years now.
For the first quarter of 2014 Moroism.org announces the 'pitched' topics for discussions. I am sharing the announcement for the readers and frequent visitors of Kabayaan Ka so you, too, can join the discussion and be part of the community.
This endeavor is borne out of seemingly inadequate spaces provided by Facebook and other social media sites for discussions. One limitation of a Facebook 'comment' and 'status' is we tend to express our thoughts in haste - and usually this does not lead us to a careful evaluation of our ideas and perspectives before sharing it to the world.
Moroism.org is managed by me and my few Moro colleagues and friends in the university and on the ground who are into Moro and Philippine studies. Ideas to be presented to the public will pass through the interventions of editor/s and core members of the group before publication. And the public - Moros and Filipinos alike - can join the discussions on various areas such as but not limited to literature, politics, history, popular culture, Islamic studies by creating an account in the site.
Kabayaan Ka will remain to be my personal blog (and my personal Facebook account will soon be 'inactive' as I will transfer some of the contents here and in Moroism.org including entries from collaborative effort, a project-in-progress, with photographer-friend Alberto Bainto for Sa Kabila ng Lahat). Of course, I still would like to keep in touch with you who's with me for almost five years now.
For the first quarter of 2014 Moroism.org announces the 'pitched' topics for discussions. I am sharing the announcement for the readers and frequent visitors of Kabayaan Ka so you, too, can join the discussion and be part of the community.
Moroism.org invites the community to join the discussions to further the discourse onMoroism.
For the First Quarter of 2014 Moroism.org is soliciting articles, opinions, papers, and creative works from the community related to the following topics and concepts for discussions on Moroism:
- Nur Misuari
- Moros in Philippine cinema
- Tausug Nationalism
- GRP-MILF Framework Agreement on the Bangsamoro
- Moros in Filipino Novels in English
- Narratology as a discourse
- Islam and Nationalism: Bangsamoro Republik
- Iranun Bangsamoro
- Filipino folk band ASIN and the narratives of Mindanao
- Muslim women’s perspectives on arranged marriage
All contributions must follow proper citation of sources. Moroism.org accepts contributions in Filipino, English and in other Moro languages and dialects.
All manuscripts are subjected to editorial interventions and discretion before publication.
You may send your contributions and questions to editor@moroism.org. We encourage our readers to also join the discussions by creating their profile in the Moroismo community.
Koronadal City's AST 9th Theatrical Season
Morolandia by AST of Koronadal, South Cotabato
Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal
sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte
and
Ang Mga Mananahi
Location:
Koronadal, Philippines
Tagulaylay sa Kamatayan ng iyong Maratabat (2012, DLSU St. Benilde)
Ang awiting "Tagulaylay sa Kamatayan ng Iyong Maratabat" mula sa aking dula So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman. Ang musika ay inilapat ni Bing Veloso at ng Bailan.
Subscribe to:
Posts (Atom)