NITONG NAGDAANG WEEKEND halos naubos ko ang kalahati ng aking oras sa pagbabasa ng mga naipong clippings, researches mula sa internet at sa mga aklat tungkol sa mga Ilaga (Ilonggo Land Grabbers Association hindi Iligan Airsoft Gamers) sa Mindanao partikular na sa Lanao del Norte. Para akong nag-marathon sa panonood ng mga Japanese horror flicks. Sabi ko sa nga aking kaibigan na nasa Davao, mataas naman ang grado ko sa History noong high school at college bakit tila parang bago sa akin ang kuwento ng mga Ilaga sa Mindanao. Ayaw ko namang balikan ang aking mga guro at isa-isa silang sisihin. Pero nahinuha ko na mayroong itinago (at itinatago) sa akin ang aking edukasyon, ang aking lipunan. Mayroong nagaganap na isang conspiracy.
May nais kasi akong malaman sa kuwento ng mga Ilaga sa Mindanao - nais kong ukilkilin ang isang 'prespektibo', ang isang 'naratibo', ang isang lupon ng mga damdamin na pilit na ipinalulukob sa akin ng mga institusyon ng aking lipunan - cultural shows, midya, educational institution, mga sinungaling sa kanto, atbp. Sa aking palagay, responsibilidad kong alamin ang lahat ng mga nangyayari sa aking lipunan, sa aking kasaysayan tulad ng responsibilidad nating lahat na alamin ang ginagawa ng ating gubyerno sa mga Moro, sa Mindanao.
Matagal na kasing nakabalandra sa mesa ko ang mga naipong papeles at dokumento kaya minabuti ko nang basahin ang ilan nang masimulan ko na ang aking dula insha Allah na matapos ko ang unang burador bago ang Nobyembre ngayong taon para sa 2009 Virgin Labfest na proyekto ng aming grupong The Writers Bloc, Inc.
Kaso itinigil ko ang pagbabasa noong Lunes ng madaling araw dahil napansin ko sa aking mga nakaw na tulog na nagkakaroon na ako ng nightmares. Kahit saglit na tulog lang e kapag ipinikit ko na ang aking mga mata ay parang nakikita ko ang mga imahen - pamilyar kasi sa akin ang mga lugar na binabanggit sa mga nabasa kong artikulo. Isa itong ma-horror na weekend.
Hindi nga ako nakapasok sa opisina noong Lunes ng gabi dahil hindi na ako nakatulog buong Lunes ng umaga at tanghali. Nabubuhay ang mga imahen sa aking harapan- mga sinusunog na bahay, ang nagre-retreat na mga Moro upang iwasan ang mga Ilaga, sapilitang pangangamkam ng lupa, mga pinuputol na tenga ng mga Moro, bendang puti sa ulo, pagkain ng utak ng paring Italyano, Iligan, etc. Hindi ko alam sa dami rin siguro ng mga kapeng nainom ito. Anupaman, susundin ko muna ang aking kaibigan sa Davao na lagi kong pinakikinggan - itigil ang pagbabasa at maglagay ng distansiya sa subheto ng aking dulang isinusulat.
Henewey, heto ang isang artikulo na nahagilap ko sa internet: The Tacub Massacre Revisited. Basahin lang at kailangan ko pang magdagdag ng ilang research for verification sa katotohanan ng mga nasasaad sa artikulong ito - kabilang na rito sa pag-interview sa ilang mga tao sa lugar.
Magadang gabi at sweet dreams.
No comments:
Post a Comment