|
Eid ul Fitr Celebration ni Rogelio Braga. This is it! |
ITO NA YATA ang isa sa pinakamagandang salubong sa akin pagbalik ko ng Maynila mula Cebu. Nang makauwi na ako ng Maynila sinigurado kong binuhay kong muli ang komunikasyon sa mga kaibigan at kapatid ko sa Young Moro Professional Networks Inc (YMPN) na naiwanan ko rito sa Maynila halos tatlong taon na ang nakalilipas.
Dahil nagkataon na nalalapit na ang Eid nang magdesisyon akong magbalik ng Maynila nakatanggap ako ng imbistasyon sa aking mga kaibigan - sina Ara at Nahda na makisaya sa Eid nila para sa mga bata at mag-aaral ng Liwanag ng Kapayapaan Foundation sa Fairview (ito yung foundation at eskuwelahan ng Muslim na actor na si Robin Padilla - at nakita ko siya sa personal!)
Labis ang aking pasasalamat at nakadalo sa piging at nabigyan din ng pagkakataon na makatulong sa pamamagitan ng pagiging accidental 'emcee' at facilitator ng children's game para mga dumalong mga mag-aaral.
|
Ako bilang dakilang emcee. Para lang kaming umaarte sa entablado. |
Masaya lalo na ang mga palaro ng mga bata at ang salu-salo kasama ang kapatid kong mga Muslim. Kahit masungit ang panahon at hindi mo malaman kung uulan o aaraw - nadama ko ang pananabik ng lahat ng dumalo sa piging. Marami rin akong mga bagong kaibigan na nakilala sa pananatili at sinubukan kong tumikim ng iba't ibang putahe mula sa iba't ibang ethno-linguistic group sa Mindanao (mayroon Tausug, Maguindanaoan na hindi ako nakatikim ng paborito kong pastil, Meranao, Yakan).
Nais ko lamang ibahagi ang ilang mga larawan mula sa aming Eid:
|
Si Muhammed Mustafa Samur mula sa Turkey. Bagong kakilala mula Nur Factory. |
|
Sabi ng kaibigan kong si Ara ito raw ang 'bersiyon' ng cake ng mga Yakan - ang 'maligey'. |
.
|
Si Nahda (nasa gitna) ay isang guro sa Liwanag ng Kapayapaan Foundation. |
|
Alam ko na ang tsokolate talaga ang kahinaan ko...pero napigilan ko ang aking sarili noong araw na iyon. Bigla kong na-miss ang chocolate extreme sa Dessert Factory sa Cebu. |
|
Girl Power! |
|
Naubos yata ang lakas ko sa excitement sa palarong ito. Sa simula dapat itlog ang gagamitin namin pero dahil hindi kaya ng mga bata at ng kutsara ang itlog ginamit na lamang namin ang kalamansi. Dahil umuulan at iniiwasan na magkasakit ang mga bata sa loob ng masjid ginanap ang palaro. |
|
Okay let's test it! |
|
At ako kasama sina teachers at yes, emcee for the children's party...si Nahiya ang emcee ng buong piging (yung unang babae sa kaliwa) at kinailangan lamang niya ng tulong mula sa amin.
|
No comments:
Post a Comment