Maraming nangyari. Nandito na ako Cebu City at dito na ang aking trabaho. Sa loob ng dalawang Linggo nito nagdaang Febrero dalawang magkasunod na weekend akong bumalik ng Maynila. Sa unang weekend binisita ko ang palabas ng IPAG (Intergrated Performing Arts Guild) ng MSU-IIT sa Iligan (dahil na rin sa imbitasyon ni Steve Fernandez) at para na rin dalawin ang aking kaibigang mandudula na dumalaw sa Maynila, si David Finnigan. Sa weekend na iyon binasa rin ang PETA Writers Pool ang aking full length play "Ang Katapangan ni Buhesa". Dumalo sa nasabing sesyon si David at isa pang kaibigan na si Issa Lopez (direktor ng dula ni David sa Maynila ilang taon na ang nakalilipas.) Nang sumunod na linggo naman bumalik ako sa Maynila upang mapanood ang palabas ng Sining Kambayoka sa CCP rin at makilala ang ilang kasapi ng grupo; nais ko ring makilala noon ang aking textmate at ina ng isa sa mga reader ng aking dula, si Cecille Mambuay. Sa blog entry na ito nais kong ipabahagi ang mga larawan namin sa Manila Tour (kasama ang aking mga kaibigan). Ang mga larawan ay kuha ng aking kaibigang astig na photographer, Alberto Bainto.
Pebrero ng 2008 nang unang isinagawa ang tinatawag naming Manila Tour. Simple lang naman objectives ng Manila: sa halagang 500 pesos kailangan malibot namin ang Quiapo areas, China Town, ang tatlong religious places sa lugar: Taoist Temple, Quiapo Church at ang aming Golden Mosque sa Quiapo. Nagsisimula ang 'tour' sa aking unibersidad, Santo Tomas at magtatapos ito sa pamamagitan ng pagsakay ng calesa mula China Town hanggang Intramuros.
Isang napakasayang karanasan ang Manila Tour sa akin; ipinanganak, lumaki at halos ang aking buhay ay nasa Maynila ngunit hindi ko pa napupuntahan ang mga lugar na ito. Nais kong makilala ang aking siyudad, ang Maynila, higit sa araw-araw na pagpapakilala nito sa akin bilang bahagi ng aking buhay. Nais kong makaharap ang kaluluwa ang aking siyudad dahil bagaman ang dugong nanalaytay sa aking mga ugat ay mula sa mga isla ng Visayas, ako pa rin ay isang Manilenyo at Maynila ang aking siyudad.
Tulad nang dati sinimulan ko ang Manila Tour sa aking Unibersidad. Ang Santo Tomas ang pinakatamatandang Unibersidad sa buong Asya at ang kinatatayuan niyang gusali ngayon ay ang ang gusali na pinaglipatan ng institusyon nang ilabas ito ng Intramuros. Naging 'concentration camp' ng mga Hapones ang gusaling ito ng 'Royal, Pontifical, at Catholic, University.'
Matapos ang Santo Tomas sumakay ang aming grupo ng jeep patungong Quiapos. Ngunit naisipan ni Bert na dumaan muna ang grupo sa Bahay Nakpil. Ang Bahay Nakpil ang tahanan ang asawa ni Andres Bonifacio nang siya ay mabalo. Napangasawa ni Oryang si Nakpil at nanirahan siya sa bahay na ito.

Naalala ko ang Silay sa amin sa Negros nang pasukin ko ang Bahay Nakpil. Ganito pala mamuhay ang mga manggaranon noon sa Maynila. Ito ang kanilang tahanan. Ganito ang kanilang araw-araw na gawain. Nakalulungkot isipin na tinabunan na ang mga iskwater, salaulang kapit-bahay, mga gusgusing gusali ang Bahay Nakpil. Hindi tulad sa amin sa Silay na napanatili ng mga pamilya ng mga haciendero ang kanilang tahanan at ang ala-ala ng kanilang kapangyarihan, gaano man ito karimarim.
Matapos ang Bahay Nakpil nagtungo ang grupo sa Quiapo Church. Tumingin sila ng mga agimat ang nakipag-usap sa mga manghuhula. Hindi naman makapasok ang grupo dahil puno ng mga parokyano ang simbahan. Sa harap mismo ng simbahan nakapuwesto ang manghuhula, tindera ng mga agimat, nagpapadasal nang may bayad, at iyong mga nagtitinda ng mga halamang gamot na pampalaglag ng bata. Sa harapan mismo ng simbahan ng Quiapos Church.
Matapos ang Quiapo Church naglakad ang grupo patungong China Town. Dumaan kami sa lumang SM, sa Escolta sa tapat ng rebulto ni Lacson. Sa China Town na rin kami nananghalian at sumakay ng calesa.
Gamit ang calesa tinungo at binisita ng grupo ang iba't ibang lugar sa pusod na ito ng Maynila. Narito ang mga lawaran sila na ang magsasabi kung ano ang Maynila.

No comments:
Post a Comment