Saturday, April 10, 2010

So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman

NAIS KO LANG ibahagi ang ilang larawan mula sa aking dula So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman (2009). Ipinalabas ang dula noong isang taon, July 2009, sa Cultural Center of the Philippines bilang entry ng 2009 Virgin Labfest. Ang dula ay idinirehe ni Rikki Benedicto, kasama ang Tanghalang Filipino, ang musika mula sa grupong Bailan at ni Bing Veloso, commentary nina Jal Salic Umngan at Jelanie Mangondato. Ang mga larawan ay mula sa aking mabuting kaibigan Alberto Bainto.

Ang dula ay isang ars poetica para sa isang Bangsa Moro freedom figther Aldul Rahman Macapaar at sa kanya ko rin inihahandog itong dula.

"Marami akong gustong sabihin noon ganito ganyan pero sadyag maikli ang oras. Heto ka na ngayon: hindi ka pa rin nagbago ilang taon na ang nagdaan. Bata ka pa rin. Mananatili kang ganyan sa akin, Abdul Rahman…dito, sa akin. Nababasa ko sa mga mata mo noon na nais mo akong tanungin kung nais ko bang sumama sa iyo pabalik ng Lanao o kung maghihintay ba ako sa iyong pagbabalik. Sabi mo kasi na ano ang pag-ibig, buhay at pagkatao kung walang maratabat (Iiyak) Sasama lang ako sa lalaking may maratabat, Abdul Rahman, iyon ang gusto kong isagot sa iyo noon…Sasama lang ako sa lalaking may maratabat. Siguro hanggang doon na lang ang lahat. Hanggang dito na lang. Napakalupit ng pag-ibig—kaya nitong wasakin ng isang salita; guguho ang lahat ng mga itinindig na mga alaala sa isang pagkakamali…kahit ng isang sagot…"
-Mula sa dula.













Maaari akong kontakin sa aking mga dula para humingi ng permiso. Magpadala lamang email. Hindi ko pinahihintulan ang alin man sa aking dula na ipalabas saan mang bahagi ng Lanao del Norte lalo na sa Iligan.