Monday, May 31, 2010

High Chair Poetry Magazine Publishes 'Ang Moralidad ng Naratibo'

HIGH CHAIR POETRY JOURNAL published my essay on Ampatuan Massacre, Ang Moralidad ng Naratibo, last week. I was informed last December that the journal will provide a space for this essay. Editors of the journal decided to have a special issue on the Ampatuan Massacre and asked for contributions from poets here and abroad. Oh well I am not a poet (and a frustrated one and I will confess it) but I am so happy to see my work on this page since High Chair is being refereed by the country's foremost poets (mostly writing in English) and readers of poetry visit the site.

I don't want to explain what the essay is all about but I encourage you to visit High Chair's site and read the entire piece.

"Ang naganap na krimen sa Ampatuan, Maguindanao at ang pambublikong piyesta ng galit, suklam, at pagdadalamhati ay isang banal na proseso para sa sambayanang Filipino. Isa itong paglilinis ng sarili sa mga dugo sa ating mga kamay, dugo ng mga Moro na tumitingkad sa dilim. At ang prosesong ito, sa pinakamalalim na bahagi ng ating mga loob, na nakapanghihilakbot dahil kaya nating itanggi kahit sa ating mga sarili, ang katotohanan na naaliw tayo, na mas lalo nating nauunawaan ang ating mga pagkatao, na mas lalo nating nakikita ang ating bansa: ito ang naratibo ng mga Filipino sa mga Moro." - Ang Moralidad ng Naratibo.

Saturday, April 10, 2010

So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman

NAIS KO LANG ibahagi ang ilang larawan mula sa aking dula So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman (2009). Ipinalabas ang dula noong isang taon, July 2009, sa Cultural Center of the Philippines bilang entry ng 2009 Virgin Labfest. Ang dula ay idinirehe ni Rikki Benedicto, kasama ang Tanghalang Filipino, ang musika mula sa grupong Bailan at ni Bing Veloso, commentary nina Jal Salic Umngan at Jelanie Mangondato. Ang mga larawan ay mula sa aking mabuting kaibigan Alberto Bainto.

Ang dula ay isang ars poetica para sa isang Bangsa Moro freedom figther Aldul Rahman Macapaar at sa kanya ko rin inihahandog itong dula.

"Marami akong gustong sabihin noon ganito ganyan pero sadyag maikli ang oras. Heto ka na ngayon: hindi ka pa rin nagbago ilang taon na ang nagdaan. Bata ka pa rin. Mananatili kang ganyan sa akin, Abdul Rahman…dito, sa akin. Nababasa ko sa mga mata mo noon na nais mo akong tanungin kung nais ko bang sumama sa iyo pabalik ng Lanao o kung maghihintay ba ako sa iyong pagbabalik. Sabi mo kasi na ano ang pag-ibig, buhay at pagkatao kung walang maratabat (Iiyak) Sasama lang ako sa lalaking may maratabat, Abdul Rahman, iyon ang gusto kong isagot sa iyo noon…Sasama lang ako sa lalaking may maratabat. Siguro hanggang doon na lang ang lahat. Hanggang dito na lang. Napakalupit ng pag-ibig—kaya nitong wasakin ng isang salita; guguho ang lahat ng mga itinindig na mga alaala sa isang pagkakamali…kahit ng isang sagot…"
-Mula sa dula.













Maaari akong kontakin sa aking mga dula para humingi ng permiso. Magpadala lamang email. Hindi ko pinahihintulan ang alin man sa aking dula na ipalabas saan mang bahagi ng Lanao del Norte lalo na sa Iligan.












Thursday, February 4, 2010

Maikling Kuwentong "Mga" nasa Palanca Website Na.

NAKATATANGGAP AKO NG mga email sa mga estudiyante (maging sa aking unibersidad dito sa Cebu, San Carlos) na humihingi ng kopya ang aking kuwentong 'Mga' para sa kanilang klase. Nagpapasalamat ako sa Don Carlos Palanca Foundation at ipinaskil na nila ang aking akda sa kanilang website
Bisitahin na lang natin ang website ng Palanca at naroroon na ang aking akda bagaman medyo 'weird' ang pagkakalay-out ng kuwento sa kanilang pahina.
Muli, salamat sa pagbibigay ng panahon sa aking akda. Sa mga katanugan at mga ideya na nais na ibahagi masusulatan ako sa ogiebraga@yahoo.com
Sala'am!
Rogelio Braga
Elizabeth Pond St.,
Cebu City, Cebu.